_pang-masa
^
Jillian, santambak na cake at flowers ang natanggap nung birthday
Jillian

Jillian, santambak na cake at flowers ang natanggap nung birthday

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - February 26, 2021 - 12:00am

Ang daming birthday cakes na natanggap si Jillian Ward sa kanyang 16th birthday noong February 23. Umabot daw sa 41 ang birthday cakes at marami ring bouquet of flowers. Kasing dami yata ng birthday cakes ang bouquet of flowers ang dumating sa bahay nila Jillian.

Kaya sabi nito, “Thank you for making my birthday extra fragrant and colorful! These are ravishing.

 “I am SO HAPPY!!! I’m on cloud nine! What a happy birthday! Thank you everyone for taking the time to share your talent in art through baking me a cake.”

Anyway, pahinga lang ng ilang buwan si Jillian at sasabak na naman sa lock-in taping ng Book 2 ng Prima Donnas dahil magbabalik ang top-rating Afternoon Prime ng GMA 7.

Sa interview, nabanggit ni Director Gina Alajar na may plot at story na ang creative team at inaayos lang kung paano iku-connect sa Book 1. “It’s gonna be exciting,” pangako ni direk Gina.

Dahil 16 years old na si Jillian, puwede na siyang magkaroon ng ka-love team, kaya lang, ang dapat ka-love team niyang si JD Domagoso ay si Cassy Legaspi na ang ka-love team sa First Yaya.

Advice ni John Lloyd kay Joshua, pumatok

As we go to press, umabot na sa 1.2K ang comments sa Facebook page ni John Lloyd Cruz kung saan, nagbigay siya ng words of wisdom kay Joshua Garcia.

Sabi ni John Lloyd, “One day everything will fall into place just the way it should be. So until then, don’t focus too much on the confusion. Just focus on improvement and betterment. Create a great life for yourself Joshua Garcia.”

Kasama sa post ni John Lloyd and black and white photo nila ni Joshua at dahil sa post na ‘yun ni John Lloyd, marami ang nag-comment na sana gumawa sila ng pelikula na magkasama. 

Of course, ang Star Cinema at ABS-CBN Films lang ang makakasagot kung magkakasama ba sa pelikula ang dalawang aktor.

Sa ngayon, ang hinihintay ay ang comeback movie nina John Lloyd at Bea Alonzo to be directed by Cathy Garcia-Molina. Matagal na itong hinihintay ng fans na mula nang i-announce, excited na ang fans ng dalawa.

Sanya at Gabbi, kinukumbinsi ni Rabiya na mag-pageant?!

May pinost na photo nina Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang GMA Artist Center. Nakalagay sa caption na “enjoying a lovely dinner together” ang tatlo.

Tanong ng netizens, para saan ang dinner? Kinukumbinsi raw ba ni Rabiya sina Gabbi at Sanya na sumali sa beauty pageant? Ang alam namin, sa GMA 7 umere ang Miss Universe Philippines o puwede ring magkakaibigan na ang tatlo noon pa man.

In fairness, hindi maakusahan sina Gabbi at Sanya na ginagamit si Rabiya dahil hindi nila pinost sa kani-kanyang Instagram o ibang social media accounts nila ang photos during their dinner.  

Fill… at Bawal… pinaaga na

Totoo nga, hindi sa primetime slot ng TV5 mapapanood ang game shows na Fill In The Bank at Bawal Na Game Show na dati, 7 p.m., ang time slot. Sabi ng plugging, mas pinaaga lang ang pamimigay ng premyo at saya para winner ang hapon ng viewers.

Ang Fill In The Bank ay 5 p.m. na ang airing Monday, Wednesday at Friday at ang Bawal Na Game Show ay airing ng 5 p.m., every Tuesday and Thursday naman.

Ang sabi, ang primetime slot ng TV5 ay para sa mga pelikula at iba pang series. Ang Paano Ang Pangako ay 7:15 p.m., na ang airing dati ay 9 p.m.

Sana, wala nang shows sa TV5 ang mawala dahil natutulungan nito ang mga taga-showbiz na walang trabaho ngayon.

JILLIAN WARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with