^

Pang Movies

John Lloyd, hitsurang kinakawawa nina Ellen at Derek

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
John Lloyd, hitsurang kinakawawa nina Ellen at Derek
John Lloyd at Elias

Hindi pala masaya at lalong walang natutuwa na fans ni John Lloyd Cruz sa naglalabasang litrato nina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa social media. Mistulang may gagawing project daw ang dalawa sa sobrang sweetness.

Hindi masisisi ang fans ni Lloydie dahil mahal na mahal nila ang kanilang idolo. Hindi nila nagustuhan na parang kinakawawa ang dating sa kanilang idolo lalo na raw nang makitang napapadalas ang pagsasama ng dalawa kasama pa ang kanilang anak na si Elias. Hindi raw nila akalain na sa rami ng naging babae ni Lloydie ay sa ganito pa hahantong na sitwasyon.

Hindi na rin napag-uusapan ang TV show nina Ellen at John Estrada na John En Ellen.

Teka, pag-ibig o gimik lang kaya ito nina Derek and Ellen?

Yasser, nalusaw kay Nora

Magaling na aktor si Yasser Mata na binigyan ng break ng Kapuso network bilang leading man ni Kyline Alcantara sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

Magaling siyang mag-deliver ng dialogue at aminado si Yasser na kabado siya noong magkaeksena sila ng Superstar na si Nora Aunor. Ibang klase raw pala talaga tumi­ngin si Guy na parang nakakalusaw.

VG Imelda, nami-miss ang dating ginagawa

Inaamin ng Concert Queen at Vice Governor ng Camarines Sur na si Imelda Papin na nami-miss niya ang concert at shows na dati niyang pinagkakaabalahan. Subalit mas higit niya raw tinututukan ang mga problema ng mga kababayan sa Kabikolan and besides, naisip ni Mel na mahirap pang mag-concert ngayon habang umaatake pa ang pandemic.

Hindi rin naman daw type ng fans ni Mel na mapanood sa concert online dahil iba raw ang pakiramdam na mapanood ang idolo nila sa stage kung saan mas madarama nila ang emosyon ng mga kinakanta nito.

Inamin ni Mel na nami-miss niya rin ang mga kapatid sa showbiz. Nag-alala siya sa mga ito nang makaranas ang lahat ng kahirapan dahil sa pandemya.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with