^

Pang Movies

Local celebs inaasa na lang sa social media ang career!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Social media ngayon ang buhay ng mga local celebrity kaya talagang wala nang mystery ang mga buhay nila.

Nakabuyangyang lahat-lahat na in a way naman ay nakakatulong para pag-usapan sila.

Patok ngayon sa social media ang pag-disable ng comment section si Kylie Padilla kahapon though may nagsabing mukhang nagkaayos na ang dalawa dahil nag-comment na si Aljur Abrenica sa post ng misis kasama ang dalawa nilang anak. May pinagdaraanan lang daw talaga ang mag-asawa pero mukhang hindi naman daw malala ang problema ayon sa isang nag-chika.

Naloloka lang ang ibang netizens na nag-aakusang gamit na gamit din nila ang social media para magkaroon ng ingay.

Isa pang pinagdududahang ginagamit lang din ang social media ay sina Derek Ramsay and Ellen Adarna. Though parang nang-uurot lang naman ang dalawa dahil sunud-sunod ang sweet photos nila na ang isa pa nga nilang collage photos ay sinasabing ‘tililing’ inspired. Saka parang ‘malupit na tikiman’ lang naman daw ang nagaganap. Kung serious daw kasi ang relasyon nina Derek at Ellen, baka raw maging discrete sila at ‘di gaanong ipangangalandakan sa social media.

Meron namang nag-joke na lahat na lang ng ex ni Angelica Panganiban – John Lloyd Cruz and Derek nagiging karelasyon din ni Ellen. Kaya dapat na raw kabahan na si Carlo Aquino.

Ganundin si Julia Barretto na consistent ang pagsasabi na gusto nang magkaanak.

Ok daw, pero mas bongga raw kung lalantad siyang preggy na or kung sasabihin niyang magpapakasal na sila ni Gerald Anderson.

Hahaha, patol much din naman kasi ang maraming netizens kaya na-e-enjoy naman ng mga celeb.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with