^

Doris, sasailalim sa open-heart surgery

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - February 25, 2021 - 12:00am

Nakakabigla at nakakalungkot ang balitang kailangang mag-submit to an immediate open heart surgery ang newshen, journalist, field reporter at news presenter na si Doris Bigornia.

Avid viewer and listener kasi kami ng programang SRO (Suhestiyon, Reaksyon at Opinyon) nila ni Alvin Elchico, lalo na ngayong halos nasa bahay lang kami dahil nga sa pandemya.

In any case, Salve A., in the last two weeks na napapanood namin siya sa SRO, hindi mo iisiping may sakit siya as she looks ok naman, although malungkot daw siya dahil binawian nga raw ng buhay ang isa niyang kapatid na lalaki at siya rin daw, kailangang mag-submit to a major eye surgery.

Humihingi siya ng dasal, and prayed, we did for her.

Hanggang last Monday, when it was Alvin who requested for prayers for her dahil nga sa ‘inaabangang’ open heart surgery niya.

Well, God bless, Doris.

Of her dad, na ipinagmamalaki ni Doris na isa ring journalist, he was the late Amante Bigornia.

Of Sir Amante, he was not only a foremost journalist but most admired, too, dahil magaling siya.

He was former president of the National Press Club.

He died March 16, 2015. He was born February 2, 1917.

Carmina, binuko kung ano ang pinagseselosan kay Zoren

Simple lang daw ang dahilan kung bakit aakalain mong nagseselos si Carmina Villarroel kay Zoren Legaspi.

Hindi actually literal na pagseselos, as Zoren admits, nag-iisang babae lang daw sa buhay niya si Carmina.

Well, pag-amin ni Carmina, ang pagiging mahilig daw mag-bike ni Zoren, kaya, madalas daw “inaaway” niya ito.

But as a husband and father, wala raw puwedeng ireklamo si Carmina kay Zoren.

To the max daw ang pagiging mabuting asawa nito lalo na bilang ama sa kanilang kambal na sina Cassy at Mavy.

Of Cassy at Mavy naman, mabubuting anak daw ang mga ito, as sinusunod ng mga ito ang pangaral nila ni Zoren na bigyang priority ang kanilang pag-aaral, and of course, trabaho.

Nasa college na both ang dalawa as they both finished their secondary education sa isang international school.

Baka raw ang next show ni Mavy ay travel show. Cassy, on the other hand, ay nagsimula nang mag-lock-in taping for First Yaya, with Sanya Lopez playing the title role.

Nasa cast din sina Gabby Concepcion, Maxine Medina at Kakai Bautista.

Guess what nga pala? May leading man si Cassy dito sa First Yaya.

None other than JD Domagoso, Manila Mayor Isko Moreno’s nagsisimula pa lamang actor-son.

Bagay ang dalawa as they are both in their 20s. bukod sa handsome si JD, maganda naman si Cassy.

Well, wait natin how the fans will react to their team-up.

DORIS BIGORNIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with