_pang-masa
^

Sarah, aliw sa mga ibon ni Richard

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 25, 2021 - 12:00am

Ang dalawang alagang parrots ang kasama ni Richard Gutierrez sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano. Sobrang bait daw ng mga alaga niyang ibon. Si Kingston ang una niyang binili at ang laki na raw at sobrang bait pa.

‘Yung isang parrot niya, medyo maliit pa at Winter ang ipinangalan niya.

Si Richard mismo ang nagti-train sa mga alaga niyang ibon at naaaliw siya sa mga ito.

Actually, pati ang mga anak ni Richard na sina Zion at Kai ay aliw kina Kingston at Winter. Kapag wala siyang taping, pati ang mga bata ay nag-aalaga sa dalawang parrots.

Pati nga ang misis niyang si Sarah Lahbati ay naaaliw sa mga ibon ni Richard!

Pops, nagpa-saliva test

Alam mo, Ateng Salve, magkalapit lang kami ng tinitirhan ngayon ni Pops Fernandez. Noong wala pang COVID-19 pandemic, may mga pagkakataon na ini-invite ako ng Concert Queen na mag-breakfast.

Morning person kasi si Pops. Maaga siyang nagigising dahil maaga rin naman siyang natutulog. Dapat ay magbe-breakfast kami today ni Pops, pero aalis daw pala siya ng bahay. May saliva test daw siya ngayon para sa GMA 7.

Kung ang iba ay antigen pa rin ang ginagamit, mukhang ang Centerstage show ng Kapuso network ay saliva test na ang ginagamit.

Mariel, kuntento na mag-isa sa NY

Kinumusta ko si Mariel de Leon na based na sa New York City. May ilang modeling jobs na rin kasi doon ang dalaga nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

So, marami ba siyang trabaho ngayon? “For now, not as much, kasi strict pa kasi here because of the COVID (19). Also, winter months are low months for modeling. The jobs come in spring and summer time,” sey ni Mariel.

Mukhang ok naman si Mariel sa New York City at enjoy naman siyang mag-isang nakatira sa sarili niyang aparment.

RICHARD GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with