^

Pang Movies

Albert, iniwan na uli ng mga anak at apo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Muling bumabalik si Albert Martinez sa  GMA Network, kung saan siya nagsimula 10 years ago. Isang GMA Afternoon Prime series ang pagbibidahan ni Albert, titled Las Hermanas, at last Tuesday, February 23, ginanap na ang Zoom meeting niya with the creative and production teams ng series, headed by Creative Director Aloy Adlawan. Na-quote nga si Albert na “I am excited about this project, and I want to tape it the soonest.”

Sa ngayon, si Albert pa lamang ang ni-reveal ng production na gaganap sa serye.

Meanwhile, naging masaya pala ang Christmas ni Albert dahil nakasama niya sa bahay niya ang kanyang Papang at isa-isa ring dumating ang mga anak niya.  Si Alissa ay nagsilang ng panganay niya at doon tumuloy kay Albert, nagsilang din si Miki, wife ni Alfonso at dumiretso rin from the hospital kay Albert. Para raw naging nursery ang bahay niya na madali niyang ipina-renovate ang rooms para sa mga apo. Sinorpresa din sila ni Alyanna na dumating from Los Angeles, with her husband ang child. Kaya masayang-masaya si Albert na hindi lamang mga anak niya kundi kasama rin ang tatlo niyang apo during the holidays. Na-miss nila si Liezl na pangarap noong nabubuhay pa na magkaroon na sila ng apo ni Albert.

Ngayong nakaalis na ang mga anak at apo ni Albert, magiging busy naman siya sa pagsisimula ng lock-in taping nila ng Las Hermanas.

Ruru at Shaira, bibida sa mini serye

Kahit very busy si Director Mark Reyes para sa paghahanda sa lock-in taping niya ng Voltes V: Legacy, tinanggap din niyang idirek ang isang episode ng mini-series ng I Can See You na season 2 offering na ng GMA Network pagkatapos ng unang four-mini series na ngayon ay ipinalalabas na sa Netflix Philippines.

First episode ng mini-series ay On My Way To You na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Shaira Diaz, kasama si Malou de Guzman.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with