^

Aljur at Kylie, may problema sa datung?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

Aww datung nga ba ang rason kaya diumano’y may problema ang marriage nina Aljur Abrenica and Kylie Padilla? Usap-usapan kasi ang  tungkol sa pagbura ni Kylie ng photos ng mister sa kanyang Instagram account.

Sunud-sunod din ang cryptic messages nito sa kanyang IG stories na “I’m submissive not stupid” at “More selflove, babygirl.”

Wala namang paramdam si Aljur sa kanyang IG account, pero naging madasalin na pala ang actor at ang kapatid niyang si Vin daw ang nagga-guide sa kanya.

“Prayed the rosary on the road. Been praying for a while. The power of prayer is real. Brought peace and clarity. Thank you @vinabrenica for lending and gui­ding me.”

At parang mabigat nga ang dinadala niya dahil pinagdarasal din siya ng kapatid na malapit na ring maging isang daddy.

Bukod dito ay may post din si Kylie ng tungkol ‘alone at happiness.’

Last February 12 pa ang last post ni Aljur na kasama si Kylie.

Marami namang malungkot na followers nila at sana raw ay hindi totoo ang speculations.

Anyway, napag-usapan ang tungkol dito sa anniversary episode ng Take It… Per Minute, Me Ganun! kahapon nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu. Kaya naungkat tuloy ang tungkol sa naglabasang issue noon na sa tuwing dumadalaw diumano noon si Aljur sa bahay nila Robin, paglabas diumano nito ay ang daming gasgas ng kotse at butas ang gulong ng sasakyan ng aktor.

Well, wala namang confirmation at the usual hula / konek lang sa cryptic messages ni Kylie at sa dasal ni Aljur ang lahat ng isyu na may problema sila sa kanilang pagsasama.

Pero wait, may nagpapatanong, bayad na raw kaya ni Aljur ang bahay na binili niya sa dating broadcaster na si Kaye Dacer?

Naalala kong nagkaroon ng issue noon na ‘di pa fully paid ang aktor at kulang pa diumano ng ilang milyon ‘yun.

Sa kasalukuyan ay inactive ang career ng mag-asawa at sa social media  platforms lang sila visible.

KYLIE PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with