^
Sharon, inspirado na uling magtrabaho
Sharon

Sharon, inspirado na uling magtrabaho

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

Katuwa naman na nagti-taping na raw si Sharon Cuneta. Dinig kong maganda ‘yung dalawang project na ibinigay sa kanya ng Viva kaya hindi siya nakatanggi. At timing naman talaga na heto, sexy na si Sharon at ganadong humarap sa camera.

Tiyak na inspired siya dahil alam niya na ang daming humanga sa determination niya na pumayat, at nagawa naman niya without sacrificing her health.

Talagang may sinundan siyang steps at strict diet para ma-attain ang magandang resulta. Kaya hindi kataka-taka na magiging madali rin para kay KC Concepcion na magpapayat dahil mas athletic at physical ito, kaya madali para sa kanya ang magbawas kung gugustuhin niya.

‘Yung discipline, mahirap gawin ‘pag wala kang goal at motivation, pero once na naroon na ‘yung focus mo, sandali lang iyan. Lagi lang alalahanin kung gaano kalaki si Sharon noon at gaano kalaki ang nabawas sa timbang niya ngayon at meron ka na agad gagayahin.

Go Sharon, harapin naman ang work ngayong sexy ka na uli, marami ring nasabik na mapanood ka sa teleserye at movies.

Mga kakandidato, sa mga TV show mangangampanya!

Mukha nga yata, Salve, na target ng senatoriables ang maging guest sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga.

Kasi nga naman ang lakas ng segment na iyon at talagang ang daming nano­nood kaya ‘pag naging guest ka kilala ka agad ng masa. Natawa nga ako na ang daming nag-react kay Sec. Harry Roque eh halos araw-araw na siya sa TV dahil siya ang spokesperson ng Presidente natin.

Ang lakas ng dating ni Sec. Harry Roque na may pagka-showbiz din kaya madaling naka-adjust sa shows na tulad ng Eat Bulaga at Wowowin. Kaya hindi kataka-takang halos lahat ng pulitiko ngayon ay gustong magpa-guest sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga.

Huwag na kayong magtaka, iyan ang uso ngayon lalo pa nga at bawal na ang mga meeting de avance, rally o malaking pagtitipon, mas maganda ang exposure mo sa mga programa sa TV at number one pangmasa ang Eat Bulaga.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with