^
Ziggy nina Dingdong at Marian, first time nakapasyal mula nang ipanganak
Ziggy at Marian

Ziggy nina Dingdong at Marian, first time nakapasyal mula nang ipanganak

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

Ibinahagi ni Dingdong Dantes sa kanyang Instagram page ang mga larawan ng bunsong anak na si Ziggy na nakasakay sa swing sa isang park. Aniya, first time raw ng anak na ma-experience ito. “I couldn’t help myself from documenting his first time to try a swing since he was born. Wala pa kasi siyang one year old nung nagsimula ang lock down. At first, may takot pero dahil andiyan si Mama, he became comfortable, eventually,” simula ng caption ni Dong.

Wish ng aktor na sana raw ay bumalik ang mga ganitong outdoor activities kung saan ay puwedeng makipaglaro ang mga bata sa kapwa-bata. “What a joy to see him explore playing in an open space and get his hands dirty and on the ground. Wala pa ring tatalo sa mga old school na laro na makakapag-hubog ng develop­ment ng isang bata. How i wish that we could go back to these outdoor activities, and have the opportunity for our children to freely play with other kids.

“But instead of compa­ring the past from the present reali­ty, it is our duty to recreate the values of these “experiences” even within the confines of our own homes. All it takes is a little creativity and imagination, no matter how big or small our ”better worlds” are,” saad ni Dong.

Gayunman ay pinag-iingat din ng aktor ang mga magulang sa pagbibigay ng mga pangangailangan ng kanilang mga anak.

“Sabi nga ng HS titser kong si Ser Ron Capin­ding, “Lahat puwede, pero hindi lahat dapat.” So, puwede naman talaga... pero dapat nang may pag-iingat, kapraningang calculated at isang buong loob na puno ng pagasa — na kaya pa rin nating ibigay ang mga nais at pangangailangan ng mga supling na walang kamuwangmuwang sa mas delikadong mundong kalalakihan nila,” pagtatapos ng aktor.

Nathalie, abala rin sa organic business

Aminado si Nathalie Hart na nahirapan siya na gumanap na lesbian sa Maalaala Mo Kaya episode na mapapanood ngayong Sabado. “It’s my first time to do “tibo” or lesbian role,” kuwento niya sa sa pocket presscon held last Monday.

“Ang hirap, ha? Mahirap talaga siya, kasi tototo pala ‘yun, ‘pag ang gusto mo lalaki, lalaki pala talaga. Pero if you try to think na you’re in love with a woman, parang ang hirap pala talaga,” sey niya.

Inisip na lang daw niya na pang-MMK ito kaya talagang nag-focus siya and in the end, sa tingin naman daw niya ay nabigyan niya ng justice ang role.

Si Jane Oineza ang partner niya sa nasabing episode at may mga intimate scenes daw sila na halos malapit nang mag-kiss although wala namang kissing scene talaga.

In real life ay hindi raw niya keri talaga ang magmahal ng isang tomboy at mas gugustuhin pa raw niyang makipagrelasyon sa bading. “Mas kakayanin ko siguro ang bakla, kasi at least pareho ang gusto namin, tapos magkaka-jive kami. Kasi kung tibo, very different kami,” she said.

Anyway, mas gumanda pa si Nathalie ngayong isa na siyang mom. Two years old na rin si Penelope, ang baby nila ng Indian ex-fiance niya. At dahil syempre sa kanyang anak kaya naman inspired siyang magtrabaho.

Bukod sa mga proyekto sa showbiz ay abala rin ang aktres ngayon sa kanyang bagong itinayong negosyo called Gayatree Organics, a high quality, chemical-free and effective range of different organic and plant-based skin care needs for everyone. “I love organic, pinag-aralan ko rin siya, it’s really my hobby, so for me, it was interesting for me na gumawa ako ng plant-based product, organic products, not only for adults, puwede rin siyang gamitin ng mga bata,” sabi ni Nathalie.

Ayon pa sa aktres ay affordable raw lahat ang kanyang mga produkto unlike some organic product na super-expensive.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with