^
Baron, wish makasundo ang iba pang mga panganay na anak
Baron

Baron, wish makasundo ang iba pang mga panganay na anak

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

Adjusted na ang actor na si Baron Geisler sa kanyang buhay sa Cebu with his family, ang kanyang wife na si Jamie Evangelista, their one-year-old daughter na si Tali and his two stepsons sa kanyang wife.

Open book na sa publiko ang buhay ni Baron since he started his showbiz career when he was in his teens sa bakuran ng ABS-CBN.

Ayon sa actor, wala na umano siyang dapat patunayan pa pagda­ting sa kanyang pagiging `changed man’ magmula nang makilala niya ang kanyang wife at mapalapit sa Diyos.

Thankful din si Baron sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Viva na siyang nangangalaga ngayon sa kanyang career.

Naka-base man sa Cebu si Baron, pabalik-balik ito ng Maynila kapag may shoot or taping siyang gagawin.

Ini-enjoy na rin ng actor ang kanyang role bilang ama ni Tali at pangarap niyang mapalapit sa isa pa niyang anak na babae rin na hindi pa umano siya kilala hanggang ngayon. Ito bale ang panganay sa tatlo niyang anak na pawang babae.

Direk Darryl, blessing ang tingin sa bashers

Gender-bender director ang tawag sa young writer-director na si Darryl Yap dahil hindi siya gumagawa ng formula movies or projects and he is thankful na supportive sa kanyang mga idea ang Viva na siyang nagbigay sa kanya ng break sa mainstream sa pamamagitan ng hit launching movie ni Kim Molina, ang Jowable in 2019.

Si Direk Darryl din ang nagdirek ng Vivamax material na Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar na tinampukan nina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor kasama ang mga baguhang sexy actresses na sina AJ Raval, Ana Jalandoni at Rose Van Ginkel.

Muling nagbabalik si Direk Darryl sa upcoming movie ng Viva Films, ang Tililing kung saan tampok sina Baron Geisler, Gina Pareño, Candy Pangilinan, Chad Kinis, Donnalyn Bartolome at Yumi Lacsamana.

Sa poster pa lamang ng Tililing ay naka-draw na ito ng kontrobersiya nang mag-react ang netizens including Kapamilya star Liza Soberano. Kalmado lang si Direk Darryl pagdating sa kanyang bashers at nirerespeto umano niya ang opinion ng mga ito. “I don’t handle bashers. I look at it as a blessing,” pahayag ng batang director.

Thankful si Direk Darryl  dahil sa katunayan, hindi pa man naipapalabas ang Tililing ay may gagawin itong pelikula na pagbibidahan ng Megastar na si Sharon Cuneta. Hindi rin nati-threaten ang batang director sa laki o liit ng mga artistang kanyang dinidirek.

Ang Tililing ay nakatakdang ipalabas sa Viva Max at sa mga piling-piling sinehan nationwide simula sa March 5, 2020.

BARON GEISLER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with