^
Agimat⦠walang iyakan!

Agimat… walang iyakan!

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

Finally malapit nang mapanood ang seryeng Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla sa Kapuso network. Nakapag-taping na sila at unang sumalang ang child actor na si Miggs Cuaderno.

Marami ang natutuwa dahil makakapanood na raw sila ng ibang tema ng istorya sa TV. Pulos kasi istorya tungkol sa nag-aagawan sa lalaki, naglalaitan, murahan, sampalan at patayan ang napapanood ngayon.

Well, ibang tema naman ang ipa­mamalas ni Sen. Bong at maaksyon na tulad ng mga ginagawa niya noon.

Hintayin na lang natin dahil malapit na itong bumulaga ngayong Mahal na Araw. Si Sanya Lopez ang leading lady ni Sen. Bong na may ibubuga rin sa akting.

Willie, nahuli ang kiliti ng viewers

Dati pulos jacket ang pinamimigay ni Willie Revillame sa Wowowin. Sa jacket pa lang ay tuwang-tuwa na ang mga binibigyan niya sa studio pero ngayon, mas bongga na ang pinamimigay niya dahil big amount of money at tablet na para magamit sa school ng mga batang mag-aaral.

Nakakaaliw lang pakinggan tuwing may nakakausap sa phone si Willie dahil halos iisa ang tono ng mga ito. Patagalan ang mga ito sa paghagulgol sa iyak dahil sa tuwa.

Sa hirap nga naman ng buhay ngayon, kahit sino ay matutuwa kung isa ka sa suwertehing matawagan ni Willie. Isang tawag lang, pera na agad ang kapalit.

Huling-huli talaga ng TV host ang kiliti ng mga manonood kaya lahat ay nakaabang talaga.

Luis at Jessy, wala Pang paramdam sa kasal

Ano ba ‘yan, natapos na ang Valentine’s day pero hindi pa rin matuluy-tuloy ang wedding bells nina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Biglang nawalan ng ingay at parang hindi na pinag-uusapan ang tungkol sa kasal nila.

Mukhang mapupurnada pa ang apong hinihintay ni Ate Vi (Vilma Santos).

Sino ang may K bilang bagong BelLa Flores?

May pa-contest po kami sa reader ng ating kolum na Bozez. Sa mga nagpapaligsahan po bang mga aktres na gumaganap na kontrabida sa iba’t ibang teleserye, sino sa palagay ninyo ang may karapatang humawak ng titulong bagong Bella Flores ng showbiz?

Ang mga pagpipilian ay sina Sheryl Cruz, Dina Bonnevie at Sunshine Dizon. Mga boses lang kasi nila ang umaalingawngaw tuwing mapapanood ang mga serye kung saan sila napapanood. Ha ha ha.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with