^
Janine, bored sa relasyon kay Rayver
Janine at Rayver

Janine, bored sa relasyon kay Rayver

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - February 23, 2021 - 12:00am

Janine Gutierrez describes her nearly four-year romance with Rayver Cruz as ideal, but somehow boring. Wala pa raw kasi silang matinding disagreement na naranasan. Obviously, dahil maybe they both belong in showbiz family.

Anak, as we all know, si Janine ni Lotlot de Leon na anak nina Nora Aunor at Christopher de Leon.

Her dad, of course, is Ramon Christopher, whose parents are singer Pilita Corrales at Eddie Gutierrez.

Rayver, on the other hand, belongs to the famous Cruz clan of showbiz. Nakatatandang kapatid niya si Rodjun Cruz, who is in showbiz, too.

Hindi problema kina Janine at Rayver kung magkahiwalay sila ngayon ng production na kinabibilangan. Dating Kapuso, like Rayver, Janine, who recently signed up with ABS-CBN, is now a Kapamilya.

But Janine’s contract daw as Kapamilya allows her na gumawa ng pelikula with other productions.

Kaya, umaasa raw sila ni Rayver na makagawa ng movie together.

Baron, hindi tinatangging dating pasaway

As a bagong contract talent ng Viva Films, mapapanood si Baron Geisler sa upcoming movie na Tili­ling, co-starring him with Donalyn Bartolome, Chad Kinis, Candy Pangilinan at Gina Pareño.

Ang tagal din, kumbaga, ‘namahinga’ ni Baron sa showbiz. Namirmihan siya sa Cebu, with wife, Jamie Marie Evangelista, where they put up several business, all of which, according to Baron are doing well.

And guess what more? He is now a certified new dad, as Jamie recently gave birth to their panganay, whom they named Talitha.

Now 38 years old, hindi ipinagkakaila ni Baron na dati siyang pasaway.

But one thing that cannot be denied, he has been consistently a good actor.

And his comeback movie na maituturing, Tililing, according to its director, Darryl Yap, will prove this.

Andrea, araw-araw may bulaklak sa bagong manliligaw!

May kapalit na ba sa puso ni Andrea Torres si Derek Ramsay?

Well, the way it looks, nagkakamabutihan ngayon sina Derek at Ellen Adarna.

And it looks like raw na kahit ang anak ni Ellen na si Elias Modesto, whose dad is actor John Lloyd Cruz, is closer than thou na rin kay Derek.

Well, balitang may ultra rich businessman na manliligaw ngayon si Andrea. Halos araw-araw daw itong nagpapadala ng bulaklak sa dalaga.

Andrea is busy with a new series, Legal Wives, co-starring her with Alice Dixson at Dennis Trillo, who plays a Maranao Muslim.

Negi, dinisiplina ni Vice

Suwerte naman, Salve A., ni Negi (real name: Uldario Molina), stand-up comedian at naging permanent sidekick ni Vice Ganda sa kanyang dating Sunday talk and comedy show, Gandang Gabi, Vice!, as right after ng katatapos na prime TV mystery music cum game show, I Can See Your Voice, hosted by Luis Manzano, where he was assigned as one of the sing-vestigators, may kasunod kaagad siyang project, the comedy film, Ayuda Babes, co-starring him with Gardo Versoza, Juliana Parizcova-Segovia, Petit, Ate Gay at Brenda Mage.

Excited daw si Negi sa Ayuda Babes, as riot ito sa katatawanan.

He started as a stand-up comedian na kaagad naging malapit kay Vice Ganda na malaki ang naitulong sa kanya para mapanood siya sa television.

Ganunpaman, hindi raw naging madali, as Vice Ganda is a disciplinarian. Minsan daw, nagalit ito sa kanya to the max nang malulong siya sa ilang bisyo.

“But I learned a lot from that chapter in my life,” ani Negi. “You need to be serious in your job, para patuloy kang mag-succeed dito.”

JANINE GUTIERREZ RAYVER CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with