^

Pang Movies

Pareho sila ni Julia... Gerald plano na ring pakasal at magka-baby!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Pareho sila ni Julia... Gerald plano na ring pakasal at magka-baby!

Inamin ni Gerald Anderson na ang pag-aasawa ay next chapter na sa kanyang buhay at gusto na niyang magkaroon ng anak soon.

Sinabi ito ng aktor sa Q&A vlog sa YouTube channel ng former Pinoy Big Brother housemate na si Joe Vargas.

Sa nasabing vlog ay naglaro sila ng kakaibang basketball game kung saan ay sasagutin ni Gerald ang katanungan ng netizen kapag hindi niya nai-shoot ang bola sa ring. Pero kapag nai-shoot niya ay hindi na niya kailangang sagutin ang tanong.

Isa sa tanong ay kung may plano ba siya na magpakasal. Sadyang isinablay ni Gerald ang bola dahil obviously, gusto niyang sagutin ang tanong.

“Syempre naman. ‘Yun ‘yung next chapter ng buhay natin. Inaayos natin lahat ‘yan,” sagot ni Gerald.

Isa pang tanong, “may anak ka na ba?”

 Nai-shoot ng aktor ang bola pero sinagot pa rin niya ang tanong. “Wala pa pero sana soon,” aniya.

Sa tanong na “taken ka na ba?” sadly ay nai-shoot ni Gerald ang bola kaya hindi niya sinagot.

Pero sa tanong na “gaano kasaya ang puso mo ngayon?” ay sumablay siya kaya kinailangan niya itong sagutin.

“Sobra! Sobrang saya, sobrang saya. Marami akong dahilan para maging masaya,” aniya sabay-biro ng “tingnan mo kung gaano ka-sparkling ang eyes ko.”

Siyempre ang hula ng mga netizen ay si Julia Barretto ang nagpapasaya ng puso niya.

Budget ng FDCP malaki ang nabawas!

Isa pala sa direktang naapektuhan ng pandemic ay ang FDCP (Film Development Council of the Philippines) headed by chairperson Liza Dino-Seguerra.

Inamin ng dating aktres sa zoom presscon na ginanap last Thursday na talagang nabawasan ang budget nila for this year pero hindi naman daw ito hadlang para hindi matuloy ang mga proyektong ginagawa nila noon pa para sa movie industry.

“Lahat po nang ipinangako namin sa industriya na gagawin namin, gagawin po namin,” pahayag ni Liza.

Kaya naman talagang ginagawa rin ni Chair Liza ang lahat ng makakaya para mairaos ang lahat ng proyekto and annual events ng FDCP tulad nga nitong nalalapit na 5th Film Ambassadors Night o FAN.

Isa nga rin daw sa pinaka-importanteng programa ng FDCP ay ang film fund na nagbibigay ng suporta sa ating mga filmmaker at tuloy-tuloy pa rin daw ito lalo na nga ngayon sa panahon ng pandemya. “We were able to give an initial P12.1 million in support for our filmmakers na gagawa at gumagawa po ng pelikula ngayong taon,” she said.

Samantala, gaganapin naman ang online awarding ng FAN 2021 sa Feb. 28 via livestream at the FDCP channel.

For this year, magkakaroon ng 60 honorees and special awardees. Leading the FAN 2021 honorees are the A-Listers, filmmakers Rafael Manuel and Lav Diaz.

A-Listers pertain to those who bagged awards in prestigious A-List international film festivals as declared by the International Federation of Film Producers Associations (FIAPF).

Kasama rin sa pararangalan sina Alden Richards, Lovi Poe, Cherie Gil, Alfred Vargas, Dingdong Dantes, Arjo Atayde, Cristine Reyes, Allen Dizon at marami pang iba.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with