_pang-masa
^
Coney, kayang manlamon ng kaeksena
Coney

Coney, kayang manlamon ng kaeksena

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - February 18, 2021 - 12:00am

Malaking suporta si Coney Reyes sa seryeng Love Of My Life kung saan tampok rin sina Carla Abellana, Rhian Ramos at Mikael Daez. Mistulang piniga ang acting ng mga nabanggit na stars tuwing kaeksena si Coney, formal looking si Coney at kung lalamya-lamya kang umarte at kaeksena, tiyak na lalamunin ka ng mother ng Pasig Mayor na si Vico Sotto.

Tahimik si Coney at bukod tanging napapansin ang kanyang mga mata kapag umaarte at bihira nga raw itong mapangiti, kaya naman big deal na kapag napatawa siya sa set. Sina Rhian at Mikael naman ay walang takot na humaharap sa confrontation scenes kay Coney.

Mukhang istrikta si Coney, pero in real life, isa siyang mabait na tao at madalas na nagpi-preach sa religious meetings.

Marami naman ang malulungkot kapag tinuldukan na sa ere ang Love of My Life dahil mababawasan na ang mga kapuri-puring teleserye na walang sigawan, awayan, sabunutan at sigawan tulad ng ibang Kapuso teleserye.

Willie, Raffy at Mayor Isko, kailangan pang pahinugin

May mga nagsasabing tila masyado raw namang maaga para ideklarang tatakbong presidente sina Willie Revillame, Raffy Tulfo at Mayor Isko Moreno. Dapat daw siguro, kumbaga sa prutas, pahinugin muna at huwag munang anihin. Iilang taon pa lang kasing namamayagpag ang nabanggit na celebrities kaya maaga pa para sabihing puwede na silang tumakbo sa pinakamatataas na posisyon sa pamahalaan.

Kailangan siguro muna nilang ma-experience kung anu-ano ba ang mga pangangailangan ng mga kababayang Pilipino. Hindi naman kasi ito showbiz na pulos tawanan at plastikan ang magaganap, kailangang paghirapan at salain ang mga kakandidato. Totoong ibang-iba naman ang mundo ng showbiz kaysa pulitika kaya hindi dapat pagkumparahin, na inayunan ng mga nakatsikahan namin.

CONEY REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with