^
Direk Lauren, marunong magpahalaga
Direk Lauren

Direk Lauren, marunong magpahalaga

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 15, 2021 - 12:00am

Naloka ako na binati ako ni Direk Lauren Dyogi ng Happy Valentine’s. Kinilig ako dahil imagine mo na very busy ang schedule niya as head ng Star Magic nagagawa niya ‘yung mga small thing na ganun.

Totoo nga ang sinabi ni Ricky Lo, very sweet at very helpful si direk Lauren.

Marunong siyang gumalang by way of acknowledging people around him. Appreciative siya sa konting tulong or bagay na nagawa mo for him.

‘Yung manner of work at pakikisama niya, talagang ipinapakita niya na meron siyang respeto sa mga kasamahan niya sa trabaho.

Palagay ko magandang traits iyon na matutunan ng mga future star na dadaan sa mapagpalang kamay niya. Star Magic is still top of the line sa artist training at marami silang talents under their wings na magiging future superstars.

With the guidance of Direk Lauren Dyogi, nothing will go wrong, sure akong everything will be alright and bright.

Bulaklak ni Marian, pangmatagalan

Dapat ngayong Valentine’s Day nag-order sa Flora Vida by Marian ‘yung bff ni Ronite (@dpersonalshopperph) na fan ni Dingdong Dantes. Hindi nga ba isa sa promo ng Flora Vida ni Marian Rivera ‘pag special occasions, minsan si Dingdong ang deliveryman?

Imagine mo kung makatanggap ka ng flowers tapos ang naghatid ay si Dingdong Dantes mismo, siguro himatayin ka talaga sa tuwa at hindi ka makapaniwala.

Pero alam mo naman kung gaano ka-supportive si Dingdong sa asawang si Marian, at tuwang-tuwa siyang makatulong sa trabaho nito. Maganda ang concept ng Flora Vida at kita mo ang artistic touch ni Marian.

Iyon ngang flowers na nasa Bambbi Fuentes Salon, more than a year na, nandun pa rin at talagang akala mo bago at kabibigay lang dahil mukhang fresh na fresh talaga. Kahit medyo pricey, ang tagal naman ng lifespan ng naturang flower arrangement kaya naman ang daming may gusto ng Flora Vida.

Sure ako, sold out na naman ang lahat ng nagawang bagong arrangement ni Marian dahil special day ang Valentine, at very special ang kanyang delivery boy, no less than Dingdong Dantes, wow na wow talaga.

LAUREN DYOGI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with