^
Andre, umaasang makakalaro sa PBA!
Andre

Andre, umaasang makakalaro sa PBA!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - February 14, 2021 - 12:00am

Sisikaping pagsabayin ni Andre Paras ang showbiz at ang paborito niyang sport na basketball.

This coming March ay magaganap ang taunang PBA Rookie Draft kunsaan pipili ang 12 PBA teams mula sa amateur at eligible basketball players ng mga idadagdag nila sa kanilang teams.

Umaasa si Andre na mapili siya sa alinman sa 12 teams na ito. Gusto ngang sundan ni Andre ang yapak ng kanyang ama na si Benjie Paras na isang PBA legend noong kaedad niya ito.

“This March 14 po ‘yung draft po namin. Hopefully all goes well, tuluy-tuloy na po ako. But of course, hindi ko iiwan ang showbiz because I’m very thankful. GMA has supported me with my decision.

“Kahit papaano naman I’m very thankful, kasi I still have time to do tapings for Game of the Gens and I can still train individually. So, I have the best of both worlds at the moment,” sey ni Andre.

Sana raw ay huwag dumating ang panahon na kailangan niyang pumili between basketball and showbiz.

“My motto in life is do what makes you happy. And showbiz, or hosting, makes me happy. Basketball makes me happy. And at this point, sabay pa rin sila. I have no reason to choose yet kasi sabay naman po sila. Both make me happy.”

Benjamin, laging handang maghubad

Lagi raw handa si Benjamin Alves anytime na magiging shirtless siya sa ginagawang teleserye.

Sa Owe My Love, maraming beki ang aabangan ang mga “thirst trap” moments ni Benjamin. Sa trailer na lang ay pinapakita si Benjamin na nasa shower at sa kama na hubad. Isama pa ang pag-akit sa kanya ni Winwyn Marquez na hindi rin nagpapahuli sa pagpapa-sexy.

“Hindi naman requirement to go shirtless parati, pero if they ask for it, ready po tayo. Kaya hindi puwedeng magpabaya. Anytime puwede nilang sabihin na topless ako sa scene na ito. You got to do what you’ve got to do, di ba?” tawa pa niya.

Mas tame daw ang mga eksena nila ni Winwyn dahil romantic-comedy ang teleserye nila. Unlike sa huling pinagsamahan nila na Dahil Sa Pag-ibig na sobrang init ng mga tagpo nila.

Taylor Swift ibang singer na ang pakiramdam sa sarili

Umabot agad sa 5 million views on YouTube ang music video ng bagong version ni Taylor Swift ng 2008 hit single niya na Love Story.

In-announce niya noong Friday ang pag-re-record niya ng album niyang Fearless at nilabas on the same day ang Love Story: Taylor’s Version.

“Sey ni Taylor sa Good Morning America.

Fearless is the second studio album ni Taylor na lumabas in 2008. Ito ang most awarded album ng singer na nanalo ng Grammy Award for Album of the Year pati na sa Country Music Association Awards, and the Academy of Country Music Awards. Bumenta ito ng 12 million copies worldwide at ang iba pang hit singles nito ay You Belong With Me, White Horse, Hey Stephen and Fifteen.

ANDRE PARAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with