^

Kylie at Jake, bumiyahe na...

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - February 13, 2021 - 12:00am

One day bago mag-Valentine’s Day, February 14, malamang na nakaalis na sina Kylie Verzosa at Jake Cuenca for Palawan, where plano raw ng dalawa to spend the day of hearts, kumbaga.

Between them, mas may kasalukuyang ginagawang project si Kylie, Parang Kayo, Pero Hindi, with Marco Gumabao at Xian Lim.

Parang…. is directed by RC delos Reyes.

In the case raw of Xian, wala raw silang special na plano ni Kim Chiu on lovers’ day, dahil pakiramdam nila Valentine’s day everyday.

Samantala, wala ring special celebration na magaganap between new sweethearts Diego Loyzaga at Barbie Imperial. Kahit pa this year’s Valentine’s Day is their first together.

Busy daw kasi si Barbie with her taping for Bagong Umaga, a romance drama, co-starring her with Heaven Peralejo, Tony Labrusca, Kiko Estrada at Michelle Vito. Direction: Carlo Po Artillaga at Paco Sta. Maria.

Samantala, Loisa Andalio and Ronnie Alonte, though both busy with their six-part series, Unlo­ving U, with real-life couple, Gelli de Belen at Ariel Rivera, they will find time to celebrate the occasion.

Kung sabagay, kasabihan ngang, always, may paraan ang pag-ibig.

British BF ni Lovi, panonoorin ang premiere ng Owe…

Dahil feast day, February 11, ng Our Lady of Lourds (for Lourdes) siya ipinanganak, kaya raw pinangalanan siyang Lourdes Virginia ng kanyang former actress mom, si Rowena Moran, sa mga interview sa kanya, nababanggit ni Lovi Poe.

No need to tell you kung sino ang ama ni Lovi.

Hindi raw naipagdiwang ni Lovi ang kanyang kaarawan, dahil kasalukuyan siyang naka-lock-in taping for the upcoming series ng GMA 7, Owe My Love, a romantic comedy and drama, co-starring her for the first time with Benjamin Alves.

Guess who might be in town daw to watch the premiere of Owe My Love on February 15?

Lovi’s British boyfriend, Monty Blencowe, who is currently based in the US.

Of Benjamin Alves, Lovi’s leading man in Owe My Love, is himself taken na rin.

The girl, Chelsea Robato, is a model cum entrepreneur, herself a former resident of Guam.

Dating based din sa Guam si Benjamin kung saan tinapos niya ang kanyang pag-aaral.

In any case, at one time, na-link din si Benjamin sa singer-TV host na si Julie Anne San Jose. Tanong lang, totoo bang hindi maganda ang kanilang breakup? No wonder daw, neither of them ‘owe’ each other ‘my love.’

Thank you...

Meantime, allow us, Salve A., to thank Beau­tederm for the beauty and skin products they sent us, pang-Valentine gift.

Kasama na pala nina Lorna Tolentino, Marian Rivera at Carlo Aquino ang teenage singer na si Darren Espanto, bilang endorser ng Beautederm.

Samantala, may nagtanong nga pala, Salve A., kung bati na sila Darren at ang equally good singer na si JK Labajo, dahil may accusation daw si JK kay Darren, na labis nitong dinamdam as it caused Darren daw anxiety na nauwi pa sa demandahan.

KYLIE VERZOSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with