_pang-masa
^

Pang Movies

Chinese New Year, malungkot ang selebrasyon

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Malungkot ang selebrasyon ng Chinese New Year kahapon.

Nakaka-miss din ang tikoy at ang pao na kadalasang ipinamimigay ni Mother Lily Monteverde sa entertainment press.

Iwas-COVID-19 ang rason ni Manila Mayor Isko Moreno kaya tigil ang selebrasyon sa Chinatown sa Manila.

Nganga ang may raket sa dragon dance pati na ‘yung nagbibigay ng predictions sa Chinese New Year. Pero may nagbebenta pa rin ng tinatawag na lucky charms ngayong Year of the Ox.

Paano naman kaya ang selebrasyon ng Valentine’s Day? Pinatutupad pa rin ang social distancing.

Mas grabe ay ang mga lovelife na gustong pumasok sa mga motel upang doon mag-celebrate ng Araw ng mga Puso. Lugi ang negosyo dahil baka hindi sila papasukin.

Basta sa walang lovelife, magsuot ng new red panty sa V-day sabi nga ni Kim Chiu upang magkaroon ng lovelife!

Ikaw, Salve A., may lovelife ka na kaya ibang kulay ng panty ang isuot mo, huh! Ha! Ha! Ha!

Bulaklak ni Marian, may libreng delivery

Kumawala tila ang pamilya Dantes sa Metro Manila upang i-celebrate ang Araw ng mga Puso.

Sa Instagram post ni Dingdong Dantes kahapon, nasa isang swimming pool siya kasama ang mga anak na sina Zia at Ziggy. Walang location sa IG ni Dong pero nakita na namin minsan ang lugar sa mga nakaraan niyang post.

Eh ready na naman ang flowers ni Marian Rivera na gawa ng kanyang Flora Vida by Marian kaya puwede na siyang gumala.

Sa IG post ng Flora Vida by Marian, sinabi niyang libre ang delivery fee sa lucky buyer at ang dagdag na bonus eh si Dong ang magde-deliver sa suwerteng buyer ng flowers ni Marian!

Happy Valentine’s Day, Dong at Yan!

CHINESE NEW YEAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with