^

Jane, special request si Paulo

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - February 11, 2021 - 12:00am

Without batting an eyelash, Jane de Leon, when asked who her crush among her fellow Kapamilya talents is, replied: Paulo Avelino.

Although, ayon kay Jane, she has yet to work with him, marami na siyang naririnig tungkol sa aktor.

Why not Paulo for her leading man in her upcoming series, Darna? “Puwedeng i-request (from the Kapamilya top guns)?” tanong ni Jane.

Jane is currently at work with Coco Martin, another daw na hinahangaan niyang aktor, in the top action series, FPJ’s Ang Probinsyano.

Ken, may resto na rin

Had German Moreno been still alive (he died January 8, 2016), makapagmamalaki sana siya sa kanyang dalawang anak-anakan, sina Isko Moreno, now the seating Manila Mayor, at Ken Chan, na may ilang negosyo na, kabilang na ang gasolinahan at pagiging important contract talent ng GMA 7.

Bagong may-ari rin si Ken ng isang restaurant.

Isang dating tagapulot lang ng basura si Mayor Isko, nang bigyan ni Kuya Germs ng pagkakataong masali sa kanyang then popular showbiz program, That’s Entertainment.

But obviously, even at an early age, may sarili nang ambisyon si Mayor Isko. Nagsikap siyang mag-aral. At nagkatotoo sa kanya ang kasabihang “iba kapag may pinag-aralan ka.”

Sa kaso ni Ken, nagsisikap siyang to live up to the expectations ng kanyang bosses sa GMA. Ken is currently a mainstay ng musical variety show cum comedy na All-Out Sundays. May upcoming drama series siya, Ang Dalawang Ikaw.

Daniel, proud sa kapatid

A proud elder brother to sister, Magui Planas, is actor Daniel Padilla. Malaking achievement para sa kanya ang makapasa si Magui para sa isang kilalang university sa Australia, University of Melbourne.

Kung sabagay, ayon na rin mismo sa mommy ng magkapatid, ang TV host na si Karla Estrada, prepared si Magui for the challenge, as she stu­died from grade to high school sa isang British school sa Taguig City.

Si former Quezon City Councilor Mike Planas ang ama ni Magui. Hirit ni Karla sa single moms na tulad niya not to feel sorry at ituring nilang blessing ang pagiging ina sa kanilang mga anak.

In her case, we all know, Karla is mom to four kids na iba-iba ang ama, but she was never a kabit sa kahit sino sa apat na ama ng mga bata.

They were free from their commitments sa ibang babae, when she had a real relationship with the four of them. Which obviously explains why they are all ‘using’ their father’s surnames.

Daniel, her eldest, ay anak niya sa hanggang ngayong aktor na si Rommel Padilla.

Her second son’s dad, Jose Carlito, also a Padilla, is a musician.

Si Magui, nabanggit na niyang si former Konsehal Planas ang ama.

Tenorio naman ang surname ng ama ng kanyang bunsong si Carmela.

To date, ipinagmamalaki ni Karla na maganda ang relasyon niya sa ama ng kanyang mga anak. At ito rin daw ang dahilan kung bakit lahat ng anak niya ay mababait at matitino.

Single moms, are you listening?

PAULO AVELINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with