_pang-masa
^
Luis at Jessy nagkapikunan sa jojowain/totropahin challenge!

Luis at Jessy nagkapikunan sa jojowain/totropahin challenge!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - February 7, 2021 - 12:00am

Nauwi sa pagtatalo ang Jojowain o Totropahin Challenge vlog nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na in-upload ng aktres sa kanyang YouTube account.

Ang dahilan? Dahil sa ex-girlfriend ni Luis na kasama sa listahan. Makikita sa video na binanggit ni Jessy ang name ng ex pero hindi na ito nilagyan ng sound kaya hindi maririnig ng viewers kung sino.

Ewan kung seryoso si Luis o umaarte lang, pero makikitang napikon siya sa tila pagna-nag ni Jessy sa kanya tungkol sa ex-girlfriend. “Sasagutin ko ba talaga ‘yan?” tanong ni Luis.

Balik-tanong naman ni Jessy, “eh di ba, ex mo ‘to?”

Pangungulit pa ng aktres, “so, ano nga, jojowain o totropahin?”

Sagot ni Luis, “Eh naging jowa nga! Eh di si­yempre ‘yun na rin ‘yun. Paano ko totropahin ‘yung kung naging jowa ko nga? Hindi nga maganda ‘yung break-up!”

Hirit naman ni Jessy, “akala ko ba ex mo, eh di bakit mo pa jojowain ulit?”

Sagot naman ni Luis na parang nakukulitan na, “wala naman akong sinasabi. Itotropa ko na lang pero naging jowa ko kasi.”

Sey naman ni Jessy na parang naiinis din, “eh di jojowain na lang ulit! Eh mukha namang. . .”

Dagdag pa ng aktres na may kahalong pangsisita, “may nakita akong picture niya sa phone mo dati, di ba? Noong nagsisimula pa lang ang relasyon natin.”

Pabalang namang paliwanag ni Luis, “hindi ko nabura, nakapatong siya sa maraming mga pic so pagka-scroll-scroll ko, nakita ko lang.”

Parang sarkastiko pa niyang dugtong, “eh di sorry! Di ba ganu’n lang naman ‘yun?”

Tila naiiritang sabi pa ni Luis, “kansel na tayo, ‘wag na nga ‘yang mga ganyan, okay? Peace!”

Tumayo naman si Jessy at sinabing “ayoko na” sabay walk-out sa frame. Pero biro lang naman pala dahil natatawa siyang bumalik. “Charot lang,” sey pa niya.

Well, maraming naging ex-gf si Luis sa showbiz kaya mahirap hulaan kung sino ang kanilang pinag-uusapan. Pero before Jessy, alam naman ng lahat na si Angel Locsin ang huli niyang nakarelasyon.

JESSY MENDIOLA LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with