_pang-masa
^

Pang Movies

Mother Lily, pinaubaya na ang negosyo sa mga anak

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Mother Lily, pinaubaya na ang negosyo sa mga anak
Mother Lily

Wow, Salve A., marami ang nagtataka, sa mga taga-showbiz actually, kung bakit hanggang ngayon daw quiet as a bee pa rin si Mother Lily Monteverde.

Oo nga naman ‘di ba?  Nagdaan ang Christmas, Bagong Taon, at heto magba-Valentine’s Day, wala pa rin tayong Mother Lily na naririnig, much less, nakikita.

Aktibo pa rin, we all know, ang kanyang Regal Productions. But the one obviously running the company now is Mother Lily’s son, Dondon Monteverde, with direk Erik Matti closely assisting him and her daughter Roselle.

And they are currently preparing daw for the filming of the life and love(s) of the kilalang Ang Supremo ng first revolutionary government, si Andres Bonifacio.

Bonifacio was born November 30, 1863 and died May 10, 1897.

Ang diumano’y naging cause ng kanyang kamatayan, execution.

Jhong, malapit nang maging tatay 

Right now, namimili na sina Dondon at direk Erik ng aktor na gaganap bilang Andres Bonifacio.

And two of them are Mayors Vico Sotto at Isko Moreno.

Nakasama rin si Jericho Rosales. And did we hear it right, Jhong Hilario ng It’s Showtime?

Jhong is currently a seating councilor ng 1st district ng Makati.

Second term na niya.

And here’s another magandang balita tungkol kay Jhong.

He will be a first-time father to a baby girl.

Yes, pregnant ang kanyang wife na si Maia Leviste Azores.

Matagal na raw nagsasama sina Jhong at Maia, pero last year lang sila nagpakasal.

It was a beach wedding daw, with fellow co-hosts ni Jhong na sina Vice Ganda at Ion Perez present.

Wonder where Jhong’s fellow ‘90s dance group member, Danilo Barrios, ng grupong Streetboys is now?

Well, Danilo is still around, but no longer in showbiz.

May negosyo na sila ng kanyang misis, isang pharma corporation na ang mga produktong ipinagbibili, kasama na ang food supplement, ay nakakatulong ngayong panahon ng pandemic.

They sell their products online. Kaya, may mga reseller sila, bukod sa mga nagtatrabaho sa kanilang place of work.

May tatlo na raw silang anak, ayon kay Danilo. Pero, gusto raw niyang dagdagan ito ng dalawa pa.

“Gusto ko at ng asawa ko na malaking pamilya,” katuwiran daw ni Danilo.

Dimples, ibubunyag ang detalye ng kasal nina Angel at Neil

Malalaman natin from Dimples Romana ang detalye ng tungkol sa diumano’y kasalang magaganap between her best friend, Angel Locsin, at fiance ng huli, si Neil Arce, ngayong February.

Si Dimples ang nagsisilbing coordinator ng event, we heard.

Ito’y kahit na nagpe-prepare din si Dimples sa kanyang next project, na posibleng isang series muli.

Meanwhile, tinutulungan niya ang anak na si Callie sa bagong business nito na may kinalaman sa paggawa ng bags, halimbawa, using local products.

Patuloy pa rin sa kanyang pag-aaral si Callie sa De La Salle University, where she is taking up a course in business.

Did we hear it right, too, na Dimples and her husband, Boyet Ahmee, will soon engage in the restaurant business?

Mahusay daw magluto si Boyet.

MOTHER LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with