^

Ian, sinagot ang intrigang may ibang babae na

Salve V. Asis (Pang-masa) - January 28, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na nakatiis si Ian Veneracion sa mga malisyosong chika na hiwalay na siya sa kanyang misis at diumano’y may kinakalantari pa siyang starlet.

Kaya naman, may cryptic post siya kahapon though alam mo kung para saan ‘yun ; “Once upon a time I was pissed. #happilymarried,” ang caption ng actor sa kanyang Instagram post.

Nakasulat naman sa artcart ng post niya na “I don’t want to normalize people exploiting our personal lives for their entertainment.

“I don’t need to defend myself from the lies of perverts.”

Nag-umpisa sa blind item ang nasabing issue hanggang pinangalan habang inili-link siya sa isang starlet na diumano’y kasama niya sa sitcom na Oh My Dad! na napapanood sa TV5.

Lumabag din ba sa health protocols? Mayor Magalong at contact tracing czar naki-party kina Tim at KC

KC pang-10 na tao ang tinatrabaho

No reaction si KC Concepcion sa kontrobersya sa birthday ng kaibigang si Tim Yap sa Baguio kamakailan na diumano’y lumabag sa health protocols.

Abala na ngayon si KC sa pagdi-design uli ng binebenta niyang mga alahas. “I do the job of 10 people for this 2 year old biz of mine (not counting 2020). Keep going, learning, building... and praying for the right mentors to be disciplined and inspired by, and a tight team to grow with,” ang latest post lang ni KC.

Nagka-issue ang nasabing party ni Tim nang kumalat ang tweet ng GaysOverCovidPh kung saan makikita ang grupo ni Tim na nagpa-party at walang suot na mask na may “And please don’t worry! We all took tests” na caption.

Pero sinabi ni Tim na edited ang compilation ng nasabing mga video kung saan ang lahat ay may mask and PPE na hindi umano nakita sa social media.

Though nag-apologize na rin si Tim sa story ng CNN Philippines.

Well, kasama sa party si Baguio City Mayor and contact tracing czar Benjamin Magalong kaya alam naman siguro niya na nagkasiyahan lang ang grupo ni Tim na siguro ay nami-miss lang mag-party.

IAN VENERACION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with