^

Thai actor na kamukha ni Liza, nag-viral ang tweet

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 28, 2021 - 12:00am

Nag-viral ang mensahe ng isang sikat na aktor sa Thailand na si Luke Plowden kay Liza Soberano last Tuesday.

Nag-tweet ang 24-year-old Japanese-American actor na nakabase sa Thailand at itinag pa si Liza.

Sa nasabing tweet ay pinagtabi ni Luke ang larawan nila ni Liza at sinabing magkamukha sila. “Hi @lizasoberano, I’ve heard from many Filipino fans that I kinda look like a male version of you, I guess I can see that,” caption ng Thai actor.

Syempre, hindi ito nakaligtas sa fans ni Liza at ni-retweet nila ang post ng Thai actor at umabot din sa libu-libo ang comments.

In-acknowledge naman ng fans na malaki nga ang pagkakahawig ni Luke kay Liza at ang iba’y nag-post pa ng iba’t ibang larawan ng dalawa pointing out the similarity.

Sue at Maris, pinanigan ng mga katrabaho sa nude photo

Nagpahayag ng suporta ang mga kapwa Kapamilya stars nina Sue Ramirez at Maris Racal na nabiktima ng illegal photo editing at ipinost sa social media.

Kinondena nina Gerald Anderson, Iza Calzado, Barbie Imperial, Loisa Andalio at maging ang boyfriend ni Sue na si Javi Benitez ang may kagagawan ng nag-viral na fake nude photos ng dalawang Kapamilya stars.

Sa Instagram Story ni Gerald ay nirepost niya ang official statement ng ABS-CBN at nilagyan niya ng salitang “RESPETO” sa ilalim.

Matatandaang naging leading lady ni Gerald si Sue sa seryeng A Soldier’s Heart.

Komento naman ni Iza sa post ni Sue, “Sue and Maris, I am so sorry to see this. I hope you find the people behind this. Thank you for using your platform, your voice, to try and put an end to this horrible, disgusting behavior. Hold them accountable so they may learn their lesson.”

Pahayag naman ni Barbie, “ang tanga lang ng gumawa neto!!!” with angry emoji.

“May karma sa mga yan,” sey naman ni Loisa.

Ini-repost din ni Javi ang statement ng ABS-CBN bilang pagsuporta sa girlfriend at nagpasalamat din siya sa Twitter sa pagsuspinde sa isang account na tila may kinalaman sa pagkalat ng edited nude photos nina Sue and Maris.

“Thank you, @twitter and those who reported this. Let’s be vigilant so this doesn’t happen again for all the other future victims out there,” ang pahayag ni Javi.

Matatandaang nabulabog ang social media last Tuesday dahil sa kumalat na nude photos ng dalawang aktres na napatunayang edited dahil ipinost ni Sue ang original photos kung saan ay makikitang naka-bikini sila ni Maris.

Umalma sina Sue and Maris sa kani-kanilang social media accounts at maging ang ABS-CBN ay nag-release ng official statement para kondenahin ang pambabastos na ginawa sa dalawang Star Magic talents.

LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with