^
Jaclyn, interesado ring maging lola sa Disney
Jaclyn

Jaclyn, interesado ring maging lola sa Disney

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 28, 2021 - 12:00am

Interesado rin pala si Kapuso actress Jaclyn Jose na mag-audition para sa Walt Disney Studios, na naghahanap ng isang Filipino lola para maging part ng cast ng project na gagawin nila. 

Sa interview kay Jaclyn last Tuesday evening sa Chika Minute ng 24 Oras, naikuwento niya na gusto niyang subukan. “Nang malaman ko iyong sa Walt Disney Studios, na naghahanap ng isang Filipino lola para sa isang project nila, sinabi ko sa manager ko, kay Perry Lansigan ng PPL Entertainment, na mag-apply kami, wala namang mawawala, baka sakaling makapasa ako.  Wala raw namang mahigpit na requirements, magpadala lamang ng short video with a self-introduction partly in English, i-share ang tungkol sa aking family or favorite activity, in Filipino language or any dialect.  At ‘yung mapipili required lamang payagang mag-work sa United States, dahil ang location shooting ay gagawin sa Atlanta, Georgia.”

Sa said interview, nai-share rin ni Jaclyn ang happiness niya na may bago siyang apo sa anak na si Andi Eigenmann, this time, a baby boy, si Koa, dahil dalawang apong babae na ang nauna. 

Ibinalita rin ni Jaclyn na magpapakasal na sina Andi at partner nito, ang surfer na si Philmar Alipayo.  Pero hindi pa raw this year kundi next year pa.

Centerstage, dadayuhin ang mga contestant sa bahay

Siguradong excited na ang netizens, lalo na ang mga aspiring Bida Kids na muling magpapasiklaban sa singing competition ng GMA Network, ang Centerstage. Two weeks na lamang kasi, muli nang mapapanood ang programa. Nabitin daw sila nang matigil ang show last year dahil sa COVID-19 pandemic.

Kaya usap-usapan na sa social media, kung paano raw iyon, hindi ba bawal lumabas para magtrabaho ang mga batang wala pang 15 years old?

Hindi naman nagpahuli ang GMA Network kung ano ang gagawin, para muli silang mapanood.  Sa pagbabalik ng programa, ibibida nila ang makabago nilang virtual set. Para iyon sa kaligtasan ng contestants at production team, wala pa rin silang live audience at isu-shoot nila ang performances ng contestants sa kani-kanilang mga bahay, kaya hindi nila kailangang lumabas.

Ang Centerstage ay hosted nina Alden Richards at Betong Sumaya. Ang judges naman ay sina Soul Diva Aicelle Santos-Zambrano, musical director Maestro Mel Villena at Concert Queen Pops Fernandez. Mapapanood na ang pagbabalik ng Centerstage on Sunday, February 7, sa GMA 7.

Jennylyn, nag-enjoy sa resort

Nag-enjoy si Kapuso actress Jennylyn Mercado na mag-scuba diving, kasama ang kanyang pamilya, sa Solitude Acacia Resort in Mabini, Batangas, habang busy pa sa lock-in taping ang boyfriend na si Dennis Trillo ng Legal Wives.

Ang kasama ni Jennylyn ay ang kanyang diving team na siyang kumuha ng underwater shots para sa kanyang vlog. 

Mapapanood din ito sa YouTube channel ni Jennylyn.

JACLYN JOSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with