Alden, inaapelang pagpahingahin na lang ‘pag Linggo
May isyu pala ang ilang fans ng ilang performers na kasama ni Alden Richards sa All-Out Sundays. May fans na gustong mawala sa show si Alden dahil hindi raw nabibigyan ng exposure ang iba nitong kasama.
Bakit daw puro na lang si Alden, paano naman daw ang ibang Kapuso talents?
Sagot ng fans ni Alden, paano nasasabing puro si Alden ang may exposure eh, madalas sa opening at closing na nga lang siya lumalabas? Dumarami lang ang production number niya kapag birthday niya, pero madalas intro at extro lang siya.
Dagdag pa ng fans ni Alden, paano siya aalisin sa AOS eh, sila nina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Gabbi Garcia, Aicelle Santos, Mark Bautista at Christian Bautista ang mga pambato ng show?
Pero, may isyu rin ang fans ni Alden, nakukulangan sila sa exposure nito sa AOS parang sayang daw ang Sunday nito na sa halip na i-spend with his family, nag-a-AOS pa tapos into/extro lang ang exposure.
Baka naman ang usapan nila ng management ng GMA 7 lalo na at may iba pa siyang shows. Monday to Saturday na siya sa Eat Bulaga at starting February 7, babalik na ang Centerstage. Ibig sabihin, Monday to Sunday siya napapanood sa TV at ‘pag airing na ng Centerstage twice na siyang napapanood every Sunday.
Samantala, good news sa Kapuso viewers ang balitang starting Sunday, January 31, may new segments nang mapapanood sa show. Wish nilang alisin na ang comedy segment at purely sing and dance na lang at bigyan na lang ng ibang show ang mga comedian ng network.
Iza, suportado si Sue
Isa si Iza Calzado sa mga nag-react sa post ni Sue Ramirez na nagalit sa naglabas ng edited topless photo nila ni Maris Racal. Sa sobrang galit nga ni Sue, all caps ang kanyang post at nagpatulong pa sa followers niya sa Instagram na hanapin ang nasa likod ng pagkalat ng edited picture.
Sabi ni Iza, “Sue and Maris, I am so sorry to see this. I hope you find the people behind this. Thank you for using your platform, your voice, to try and put an end to this horrible, disgusting behavior. Hold them accountable so they may learn their lesson.”
Sa post ni Iza, agree siya na sakaling idemanda ni Sue ang tao o mga taong nasa likod sa pag-i-edit ng picture nila ni Maris at ikalat pa. Actually, hindi lang si Iza ang gustong kasuhan ang mga nasa likod ng masamang gawain.
And speaking of Iza, excited na ang fans nito na mapanood ang The Battle of Brody and Brandy opposite Ian Veneracion. Sa February 14 na ang streaming nito sa WeTV Philippines.
Ngayon lang gumawa ng rom-com si Iza, kaya excited sa taping. Isa rin siya sa producer ng series sa direction ni Mark Reyes at associate director ang co-producer na si Sunshine Dizon.
Rodjun at Rayver, negosyante na rin
Nag-post ang magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz sa Instagram page nila ng photos na nakasuot sila ng cap, face mask, at hoodie na ang tatak ay Cruz Fit. Black ang color ng suot ni Rodjun at white ang kay Rayver. Pareho rin ang caption sa photos nila na “It always seems impossible until it’s done. Coming soon!”
Sa IG na ng wife ni Rodjun na si Dianne Medina namin mas nalinawan ang post ng Cruz brothers. Ang caption ni Dianne sa pinost na photo ni Rodjun ay “Launching Soon! Please support my husband’s new business venture. Please follow @cruzfit.ph. Now open for pre orders just message me.”
In fairness, hindi pa man available ang product dahil open pa lang for pre-orders, marami na ang nag-o-order. Marami na rin ang nagtanong kung saan makakabili o makaka-order.
Ang sipag nina Rodjun at Rayver, kahit may career pa, nagnenegosyo na. Si Rayver, nasa All-Out Sundays at may gagawing drama series. Si Rodjun ay kasama sa cast ng My Fantastic Pag-ibig na mapapanood na sa January 30, sa GMA News TV.
Lilo, endorser na
May endorsement na ang anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo at siya ang endorser ng kidswear ng H&M. Happy sina Andi at Philmar na maging part ng campaign of H&M for producing sustainable clothing.
Dagdag pa ni Andi, lahat ng H&M kidswear ay produced with 100% sustainably sourced cotton.
- Latest