^

Pang Movies

Inigo at Moophs, nag-collab para sa mga iniwan ng minamahal

Pang-masa
Inigo at Moophs, nag-collab para sa mga iniwan ng minamahal

MANILA, Philippines — Nakatakdang ilabas ni Inigo Pascual sa February 5 ang inaabangang rendisyon niya ng All Out Of Love, ang 1980 worldwide hit mula sa Air Supply na isa sa karaoke favorites ng mga Pinoy.

Hatid ni Inigo ang emosyong nararam­daman ng iniwan ng minamahal sa bagong pop version ng kanta na may tunog trap ballad hatid ng music producer na si Moophs gamit ang gitara.

Ang nasabing awitin ang una sa series ng Air Supply remake na nakatakdang gawin ng ABS-CBN Music sa ilalim ng Tarsier Records ngayong 2021. Alinsunod din ito sa inaabangang Valentine’s Day US campaign ng Air Supply.

Unang inawit ng British-Australian soft rock duo na Air Supply ang All Out Of Love at isinulat ito nina Graham Russell at Clive Davis. Inabot ng kanta ang no. 2 sa Hot 100 ng Amerika, naging no. 11 din sa Top 40 ng UK, at kinilala bilang 100 Greatest Love Songs sa 2003 list ng VH1.

Ang All Out Of Love na nga ang latest collaboration nina Inigo at Moophs, na kamakailan lamang ay naglabas ng dancehall-pop tune na Always, na naging bahagi ng The 100 Best Songs of 2020 ng Apple Music. Kabilang din ang dalawa sa awiting RISE tampok ang international artists na sina Eric Bellinger (USA), Sam Concepcion (PH), Zee Avi (Malaysia) at Vince Nantes (USA).

Sila rin ang nasa likod ng awiting Catching Feelings, na mayroon nang higit sa 10 million streams sa Spotify at 100K dance challenge entries sa iba’t ibang social media platforms.

Patuloy si Inigo sa pagtataguyod ng kanyang musika sa global stage lalo na’t inaabangan ang ilalabas niyang Options album ngayong 2021 na nagtatampok sa mga kolaborasyon niya kasama ang iba’t ibang international artists.

Muling ma-inlove sa Air Supply classic na All Out Of Love sa reimagined version nito hatid nina Inigo at Moophs.

vuukle comment

INIGO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with