^
Umaapaw ang galit Sue tinawag na demonyo sa lupa ang mga nagkaLat ng photos nila ni Maris na nakabuyangyang ang boobs!
Maris at Sue

Umaapaw ang galit Sue tinawag na demonyo sa lupa ang mga nagkaLat ng photos nila ni Maris na nakabuyangyang ang boobs!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 27, 2021 - 12:00am

Galit na galit kahapon ni Sue Ramirez sa viral photo nila ni Maris Racal na nakabuyangyang ang boobs.

Retokado ang nasabing photo at inilabas niya ang original copy nito na naka-two piece sila.

Nagpapatulong siya sa kanyang followers na mahanap kung sinuman ang pinagmulan ng nasabing viral photo.

Unang post nito : “NAKAKADIRI KA. SA LAHAT NG NAGSHARE NETO AT SA DEMONYO SA LUPA NA GUMAWA AT NAG EDIT NG KABABUYAN NA TO, NAKAKATAWA BA TO PARA SAINYO?!!!!

“Sa 8.1M followers ko, nakikiusap ako sainyo. Tulungan niyo ako na matapos na ang kulturang ito. Kulturang bumababoy sa mga kababaihan. Kulturang MAPANIRA. Kulturang KASUKLAM-SUKLAM.

“THIS CAN HAPPEN TO ANYONE. Sa nakakaalam kung san nagsimula ito, pls contact me through DM. Help me get to the bottom of this.

“HINDI NA TAMA ITO. Masyado na kayong nawiwili sa mga panggagago niyo samin. AYOKO NANG MANAHIMIK. ABUSADO KAYO.”

Sa original photo na ipinost niya ay nanggagalaiti na siya sa mga nagkalat nito : “Repost ko lang ulit tong mga picture na to para hindi kayo NATATANGA sa fake news. Ewan ko ba kung anong dahilan at pinuputakte niyo kami ng ganito. Wag ko lang mahanap ang nagpapakalat ng kung ano-anong katarantaduhan na to. Ayoko na sanang magsalita pero ginagambala niyo ang katahimikan ng buhay ko. Umayos kayo. AT WAG TANGA PLS. Wag basta bastang naniniwala sa mga nakikita online. HINDI KAYO PINALAKING UTO UTO. Pls lang. Sumosobra na kayo. Sa mga nakakatanggap ng picture, siguro naman may delikadesa at respeto kayo enough to know na dapat hindi na kumalat pa ang PAMBABABOY na ito,” sabi pa sa caption ni Sue na girlfriend ni Javi Benitez na tumatayong president ng Brightlight Productions. Eldest son ng bilyonaryong si former Cong. Albee Benitez si Javi na nag-aral sa Amerika at sumusubok mag-showbiz.

Dalawang course ang tinapos niya sa Amerika at ex niya ang former beauty queen na si Katarina Rodriguez.

‘Pagtsugi’ kay Yassi pinagkaguluhan sa social media

Bongga, tinutukan ng maraming Pilipino ang pamamaalam ng karakter ni Yassi Pressman sa FPJ’s Ang Probinsyano matapos na ideklarang patay si Alyana at naiwang nag-aagaw buhay naman si Cardo (Coco Martin) sa isang madugong sagupaan noong Lunes (Enero 25).

Humakot nga ng higit sa 102,000 peak concurrent viewers ang emosyonal na episode sa parehong YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, at nalagpasan nito ang sariling live viewership record ng programa sa Kapamilya Online Live pagkatapos ang tatlong magkakasunod na episode.

At wala pa mang isang araw, nakapagtala na rin ang episode ng higit sa 4.1 milyong views sa YouTube.

Bago pa ito, tinutukan na rin ng mga Pinoy ang maaksyong tapatan sa pagitan ng Task Force Agila at Black Ops hanggang pagkamatay ni Alyana sa pinakahu­ling tatlong episodes ng show na nagtala na ng higit sa 9.6 milyong views ang highlights sa YouTube.

 Nauwi sa kamatayan ang pagsisikap ni Alyana na iligtas ang buhay ni Cardo sa gitna ng engkwentro ng Task Force Agila at Black Ops, matapos niyang makawala sa pagkakakulong kay Lito (Richard Gutierrez) at malaman ang plano nitong patayin ang asawa.

Ngunit habang wala na si Alyana, patuloy pa ring nag-aagaw-buhay si Cardo mula sa pagkakabaril niya kina POl. Capt. Lia Mante (Jane de Leon) at Maj. Albert de Vela (Geoff Eigenmann) habang sugatan din ang ilang miyembro ng Task Force Agila.

Janella dinisplay ang anak, nanay na nanay ang hitsura

Wow, inang-ina na nga si Janella Salvador.

Kahapon sa ipinost niyang photo nilang mag-ina ay dinagsa ito ng santambak na puso mula sa kanyang followers. “Best photo of my life,” lang ang caption niya sa nasabing photo nila ng anak na si Jude.

Kasalukuyan pa rin silang nasa London kung saan siya nanganak kasama ang pamilya ni Markus Paterson.

SUE RAMIREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with