^
Ellen, nag-iingay para sa bagong show
Ellen

Ellen, nag-iingay para sa bagong show

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - January 27, 2021 - 12:00am

May dahilan para mag-ingay si Ellen Adarna dahil may TV show sila ni John Estrada na John En Ellen na ni-line produce ni John. Nakatulong din kay Ellen na no comment siya sa mga kumakalat na tsikang nagkakamabutihan sila ni Derek Ramsay na kaibigan ni John.

Sana nga ay makatulong ang issue kina Derek at Ellen sa show nila ni John na napapanood sa TV5.

Joed, marami ang nabigyan ng trabaho

Hindi lang naman pulos kamalasan ang dala ng COVID attack kundi may mga moral lesson din itong ipinakikita sa madla. Ilan dito ay ang pagpapakumbaba, pagiging mapagbigay at nagturo rin para maging matulungin sa kapwa. Isang himala rin ang naganap sa showbiz nang marami ang nawalan ng trabaho. Hindi akalain na may sasagip din pala gaya ng movie producer ng Godfather Films na si Joed Serrano na dating artista ng That’s Entertainment.

Nag-produce siya ng pelikulang Anak Ng Macho Dancer at sinugalan ang isang baguhang si Sean de Guzman kasama ang malalaking star na sina Rosanna Roces, Jaclyn Jose, Allan Paule at Jay Manalo na dinirehe ng batikang direktor na si Joel Lamangan.

Mga theater owner, hindi kinaawaan

May isang dating movie producer ang hindi ­namin kinakitaan ng panghihinayang o pagkaawa sa mga sinehang nagsara dahil sa COVID attack. Nalaman din namin ang dahilan kung bakit wala siyang lungkot sa nagaganap.

Karma lang daw ito dahil noong panahong namamayagpag ang mga sinehan sa rami ng palabas na pelikula ay pakiramdam nila ay aping-api ang low-budget movie producers. Pahirapan daw silang makapasok sa sirkulasyon ng theater owners dahil mas pinipili lang ang mga sikat at mayayamang producers.

Malupit din daw sila kapag hindi gusto ang palabas at mga artista sa sinehang rentahan nila para ipalabas sa first at last day. Hindi raw uso ang awa at pagbibigay noong araw.

Anak ni Barbara, debutante na

18th birthday na ng unica hija ng dating bold star na si Barbara Milano na si Queenie. Sa Talavera, Nueva Ecija siya nag-celebrate sa piling ng mga kamag-anak at kaibigan. Hindi rin daw nakapag-invite si Barang dahil bawal pa ang social gathering. Medical Technology ang tinapos ng kanyang anak na isang cum laude sa University of Sto. Tomas. Happy birthday, Queenie!

ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with