‘Di takot sa kawatan... Xian, dinisplay na naman ang bahay!

Xian

Inuudyukan ng kanilang fans sina Xian Lim at Kim Chiu na magpakasal na nang makita ang photos ng dalawa sa kanilang bakasyon sa Boracay. Lalo pang lumakas ang pang-uudyok ng fans na magpakasal na ang lovebirds nang mabasa ang caption ni Xian sa nasabing post.

“Everytime I look at you, it still feels like the first day we met... @chinitaprincess” na sinagot ni Kim ng “Awww” at emojis ng red heart at iba pang happy emojis. Pati nga mga kaibigan nina Xian at Kim, kinilig sa sweetness ni Xian sa GF.

Speaking of Xian, pinansin ng followers ng aktor ang sobrang pagmamahal niya sa kanyang pamilya na binubuo ng lolo, lola at mom niya. Nagpagawa siya ng home lift sa kanilang bahay para sa grandparents and mom niya para hindi na mahirapan umakyat at bumaba, mag-i-elevator na lang. Hindi na raw siya magwu-worry sa safety ng mga senior na kasama sa bahay.

Also, ipinakita na naman ni Xian ang kanyang marangyang bahay, pero slight lang, hindi niya ipinakita ang buo niyang kuwarto nang dalhin doon ang mga biniling gamit para sa tinawag niyang “Home Improvement with XL.” Kasama rito ang server para lagayan ng plates, saucers and teacups collection ng lola niya.

Bale, unboxing pa lang ang ginawa ni Xian at nangakong magkakaroon uli siya ng pa-home tour kapag naayos na ang kanyang mga binili. Hindi yata naniwala si Xian na ang pa-house tour ng mga celebrity ang inaabangan ng mga kawatan para pasukin ang bahay ng mga sikat para pagnakawan. At least, hindi nagpatalo sa takot si Xian, lalo’t tiyak na mas hinigpitan na nito ang security sa kanilang bahay.

Binyag ng anak nina Carlo at Luane, double celebration

Bininyagan na noong January 25 ang baby boy nina Carlo Gonzalez at Luane Dy na pinangalanan nilang Jose Christiano. Kaya lang dahil may pandemic pa, absent ang ninong/ninang ng baby at wala ring reception. In fact, ang present lang sa binyag ay sina Carlo at Luane at ang baby nila.

Sa Zoom video conference na lang pinanood ng godparents at kaibigan ng couple ang binyag ni baby Christiano. Kabilang sa ninong/ninang ng kanilang baby ay sina Rocco Nacino, Mikee Quintos, Pia Guanio at Ryan Agoncillo. Hindi naman nakasama sa Zoom video ang ninang na si Pauleen Luna.

Present din sa virtual christening para bumati sina Suzi Abrera at Lyn Ching na co-host ni Luane sa Unang Hirit at si Pia Arcangel. Nakisaya rin sina Sunshine Dizon at Dingdong Dantes na kasama ni Carlo sa PPL Entertainment.

Isinabay sa birthday ni Luane ang binyag ng baby boy nila ni Carlo at double celebration sana ang nangyari.

Magpinsan sina Carlo at Dingdong at napansin namin, parehong may Jose ang unang pangalan ng kanilang baby boy. Si Carlo, may Jose Christiano at si Dingdong, may Jose Sixto.

Pagkuha ni Willie kay Mr. M, nega ang dating sa netizens

Negative ang dating sa ibang Kapamilya fans sa imbitasyon ni Willie Revillame kay Mr. Johnny Manahan na samahan siya sa Wowowin. Binanggit pa ni Willie na nasa kanya na rin si Edgar Mortiz.

Comment ng netizens, parang pinalabas daw ni Willie na hindi magaling ang director ng show niya ngayon na si Joel Angeles. Lumalabas din daw na walang makuhang mahusay na director sa GMA 7 si Willie, kaya gustong kunin si Mr. Manahan.

Para raw inamin ni Willie na nasa ABS-CBN ang magagaling pati director dahil sinabi nitong mara­ming matututunan ang director ng show niya ngayon kapag kasama na nila si Mr. Manahan.

Tanong lang, wala na ba si Gab Valenciano sa team ni Willie? Bago kasi mag-pandemic, isa si Gab sa director ng show. Nang bumalik ang show, wala na si Gab.

Show comments