^
Glaiza, tinuturing na bigay ni Lord ang mapapangasawa
Glaiza at BF

Glaiza, tinuturing na bigay ni Lord ang mapapangasawa

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 27, 2021 - 12:00am

Relihiyosa ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro kaya naman nang ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang Irish boyfriend niyang si David Dainey, ramdam niya agad na siya talaga ang “the one” sa buhay niya.

“Tuwing niyayakap ko si David, feeling ko, si Lord ang kayakap ko. He made me feel I am special to Him,“ rason ni Glaiza nang makausap ng press sa virtual mediacon ng movie na Midnight in a Perfect World.

Kababalik lang ng Kapuso actress mula sa Ireland. Doon naganap ang engagement nila ni David at mayroon na silang pre-nup shoots. “Pero hindi pa this year o next year ang wedding namin. May gagawin muna akong teleserye sa GMA bago namin asikasuhin ang kasal,” saad pa niya.

Sa Cinema One festival ipinalabas ang Midnight in a Perfect World at nanalong best picture. May political undertones din ito gaya ng movie ni direk Dodo Dayao na ginawa, ang Violator, na best picture din sa Cinema One last 2014. Produced ng Globe Studios at Epic Media Productions ang Glaiza de Castro at Jasmine Curtis-Smith starrrer na available sa streaming sa Upstream.Ph simula January 29.

Wagi...

Waging-wagi pa rin daw ang GMA Sunday show na All-Out Sundays kahit nakipag-collaborate na ang telecast ng ASAP Natin ‘To sa Cignal TV last Sunday. Hindi pa rin natinag ang AOS kahit tinambakan ng maraming artista ang ASAP, huh!

Kahit live nga ang ASAP sa TV5 at via Zoom ang telecast ng AOS, panalo pa rin ito!

GLAIZA DE CASTRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with