^

Pang Movies

Direk Bobot at Mr. M, pagtatambalin sa Tutok To Win

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Direk Bobot at Mr. M, pagtatambalin sa Tutok To Win
Willie

Good for Willie Revillame ‘pag kinuha niyang direktor si Mr. Johnny Manahan. Hindi ba director na niya si Bobot Mortiz, tapos dagdagan niya pa ng direk Johnny Manahan, sobra nang gaganda ang show niya na Tutok To Win ‘di bah? At maganda nga siguro na mabigyan ng bagong bihis ang Tutok To Win para hindi buong show ay si Willie lang ang napapanood, baka may bright ideas si direk Johnny Manahan na puwedeng idagdag pa sa ideas ni direk Bobot Mortiz.

Sana nga tanggapin na ni Direk Johnny ang alok ni Willie, tutal co-produced sa GMA 7 ‘yung programa, papayag naman siguro ang management na dalawa ang director sa isang show na isang oras at kalahati para maging siksik na siksik ang show.

Alam mo naman si Willie, gusto niyang ipakita na madali siyang magbigay ng tulong sa mga may kailangan nito, kaya open agad ang invitation niya for Direk Manahan.

Kapalaran sa TV, walang katiyakan

Kung iisipin mo, parang weirdo ‘yung makita mo na mga taga-ABS CBN na nasa TV5 at merong show. Parang disoriented ka habang nakikita mong kumakanta si Martin Nievera eh TV5 ‘yung binuksan mong channel. At paglipat mo sa A2Z andu’n pa rin ‘yung ASAP. Para bang hindi mo maisip na darating pala ang araw na iyon, na ang mga artista ng dalawang nasa ibang channel samantalang ang higpit nila sa network war. Pero heto nga, totoo na, at baka meron pang ibang shows na mapunta sa TV5.

Talagang mahirap magsalita nang tapos, there was a time na maririnig mo, ang hina ng signal, pangit ang reception, hindi panonoorin ang shows, mahirap pasukan ng commercials, pero ito ngayon at siksikan sila sa TV5.

Kaya nga sa mundo na ito na walang tiyak at hindi mo alam ang darating, huwag magsasalita nang tapos. Tingnan mo, ngayon ay may collab ang TV5 at Channel 2, malay mo, tomorrow GMA 7 naman ang kasama nila. Para wala nang network war, para puwede nang magtrabaho kahit saang network, wala na ‘yung polarizing o kanya-kanya, join hands na lahat, together we stand na ang mantra.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with