_pang-masa
^

Pang Movies

Bawal Judgmental, binago na ang format

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Bawal Judgmental, binago na ang format
Eat Bulaga

Ni-reformat ang segment na Bawal Judgmental ng Eat Bulaga simula nu’ng Sabado. Kailangan na rin marahil tatlong noontime shows na ang kalaban nila.

Pangkaraniwang tao na ang judge na pipili ng choices. Hindi gaya noon na kadalasan ay celebrity.

Ang twist nga lang, may choices ang judge pagdating sa perang natira after ng first round. Puwedeng madoble ito o ‘di kaya’y manatili sa same amount o mahati sa dalawa.

‘Yung unang judge sa bagong bihis na Bawal Judgmental, nadoble ang natira nitong P40K kaya umuwi siyang may P80K, huh!

Pagdating sa pagbabago sa laman ng shows, hindi matatalo riyan ang Eat Bulaga.

Sa totoo lang, may live at taped episodes ang Bulaga at hanggang limang regular hosts ang napapanood everyday.

Pero ang TV commercials, umaabot nang mahigit 10 TVC kada break kaya kahit paano eh nakakabawi ang programa sa naluging mga araw noong ECQ o enhanced community quarantine na bawal pang umere ang TV shows, huh!

No wonder, nananatiling number one at longest running noontime show ang Eat Bulaga dahil patuloy na gumagana ang mga utak ng taong nasa likod nito, may pandemic man o wala!

Benj nag-propose din sa anak ni Lovely

Hindi naging hadlang ang pandemic para hindi matuloy ang kasal ng komedyanteng si Lovely Abella kay Benj Manalo, anak ni Jose Manalo.

Nakasuot naman ng wedding gown si Lovey at naka-suit si Benj.

Samantala, isa Instagram post ni Benj, sinabi niyang nag-propose din siya sa anak ni Lovely na si Crisha upang matanggap siya bilang ama. Nakapaloob ito sa vlog nilang mag-asawa sa YouTube channel.

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with