^

Pang Movies

Bea at Dominic, nagpapakita na...

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

“Nic” pala ang tawag ni Bea Alonzo sa rumoured boyfriend niyang si Dominic Roque at nabuking ito sa vlog niya. May nabanggit kasi si Bea na “Nic” at nang tanungin kung sino si Nic, unang sagot ni Bea, “secret.” Later on, inamin din niyang ang tinutukoy niyang Nic ay si Dominic.

Comments tuloy ng shippers nila ni Dominic, ang cute magpa-cute ni Bea at lalo silang kinilig sa nalamang ito. Curious sila kung ano naman ang tawag ni Dominic kay Bea.

Samantala, may nag-viral na photo ng family ni Dominic na pinost ng kapatid nito at may nahagip ang camera ng babaeng may mahabang buhok na nakasilip. Kaya lang, hindi siya kita dahil buhok lang niya ang nakita, pero sure ang fans na si Bea ang babaeng na-crop sa litrato.

Ang fans na rin ang nagsabing baka kaya hindi pa nagpakita si Bea sa litrato dahil hindi pa nga sila umaamin ni Dominic sa kung anumang relasyon meron silang dalawa. Hayaan muna natin ang lovebirds na nagpapakilig.

Kakai, may solo poster sa game show

Nagpapasalamat si Kakai Bautista sa GMA 7 na binigyan siya ng solo poster para sa game show ng network na Catch Me Out na isa siya sa Celebrity Spectators at host.  Pinost ni Kakai sa kanyang Instagram page ang kanyang solo poster at ang sabi, “Eee nemen. Kinilig ako sa  pa-poster na ito. Akalain mo nemen. Thank you po Lord. Sana kita-kits po tayo sa February 6.”

Saturday ang February 6 at every Saturday ang time slot ng show sa direction ni Rico Gutierrez. Bukod sa hosts at contestants, pambato ng show ang magandang stage na concept din ni direk Rico.

Galing daw sa United Kingdom ang reality game show kung saan ang mga ordinaryong tao ay magpapakitang gilas at makikipagsabayan sa mga propesyonal sa iba’t ibang larangan.

Maja, malabo na uling maging kapamilya

Ang sweet naman ni Maja Salvador dahil noong pilot episode ng ASAP Natin ‘To sa TV5, ni-repost nito ang promo ng TV5.

May mga nagtatanong kung makakabalik daw ba si Maja sa ASAP dahil maayos naman ang paalam niya sa ABS-CBN na sasamahan lang niya si Mr. Johnny Manahan sa Sunday Noontime Live. Ngayong wala na ang nasabing show, sana raw kunin uli si Maja ng ASAP.

Kaya lang, wala na yatang kontrata sa ABS-CBN si Maja at magkakaproblema sa aspetong ito dahil uunahin siyempre ng network ang contract stars nila.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with