^

Pang Movies

Lovely, itinangging ginamit si Kathryn para makalibre ng wedding gown

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Si Kathryn Bernardo pala ang gumastos sa wedding gown ni Lovely Abella noong ikasal ito sa fiance na si Benj Manalo noong nakaraang January 23.

Wedding gift ito ni Kathryn kay Lovely na naging close friend niya noong gawin nila ang pelikulang Hello, Love, Goodbye noong 2019.

Nakatanggap ng bashing si Lovely mula sa netizens dahil sa pagtulong ni Kathryn. Dinepensahan naman ni Lovely ang kanyang sarili sa “user” issue na ikinakabit sa kanya. “’Di ako marunong manggamit para lang bigyan at higit sa lahat, ‘di maatim ng puso ko na manira ng relasyon dahil kahit ano pa mangyari, KathNiel forever noh...

“Mabait talaga si Kath, saksi ako sa lahat ng ‘yan, at niregalo niya sa akin ang napakagandang wedding gown na suot ko kagabi na gawa ni @stephtancouture. Sabi ko, ‘My Ga, ‘wag na. Ako na.’ Pero sabi niya regalo daw niya.

“’Wag tayong tumatanggi sa blessings, ‘yan ang natutunan ko kasi ‘yan ang way nila to share their blessings at para lalo sila ma-bless kaya sabi ko buti NAIHABOL kasi 2 days na lang kasal ko na,” post ni Lovely sa Instagram.

Masakit daw kay Lovely ang mahusgahan siya at tawaging manggagamit para makalibre sa wedding gown. “Masakit pero siguro nga kailangan tanggapin dahil nasa industriya ako, pero ‘wag kayong gano’n. Di n’yo alam ang mga kwento kaya ‘wag kayong manghusga. Saksi ang aking mga kaibigan na sina @pernellagonzaga at @kelly.harris_ kung gaano ako inalagaan ni Kath para gumanda ako sa mismong kasal ko. Siya ang nag-detalye ng gown ko at talagang sinama niya si @janaranilla (stylist ni Kathryn) para i-check lahat kung okay sa akin.”

Ina, nagkadisiplina sa lock-in taping

Pabor si Ina Feleo sa lock-in taping dahil nagkakaroon daw ng disiplina ang lahat ng involved sa production, kasama na raw pati silang mga artista.

Isa sa mga nakitang pagbabago ni Ina ay ang pagkakaroon ng curfew sa set kung saan mas maayos ang kanilang pagtulog, hindi tulad noon na inaabot daw sila ng pagputok ng araw. “Siyempre nu’ng una takot dahil nga first time sasabak pero sobra kong na-enjoy kasi para kayong nasa kampo, e, kasi magkakapitbahay kayo, ‘yung mga artista, ‘yung mga crew. Nagustuhan ko rin ‘yung setup na 12 hours a day taping so alam mo na meron kang proper time to rest, get ready for the next day,” sey ni Ina na na-lock-in taping sa teleserye na Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

Ang 10 weeks na script daw ay natapos nila in just three weeks.

Hollywood actor Noah Centineo, nagpatanggal ng tonsils

Out of commission sa ngayon ang Hollywood heartthrob na si Noah Centineo dahil nag-undergo ito ng surgery to remove his tonsils.

Post niya sa Instagram: “Got my tonsils out two days ago. Goodbye chronic tonsillitis and strep throat. I hope you enjoyed your free stay for the last 7 years.”

Kaya tahimik daw muna ang bida ng Netflix film series na To All The Boys I Loved Before habang nagpapagaling siya. Wala raw munang videos kung saan siya nagsasalita.

Bago ang operation ni Noah, ni-release ng Netflix ang trailer ng bagong installment ng movie series nila ni Lana Candor na To All the Boys: Always and Forever.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with