^
Kris naudlot... momshies Jolina, Melai at Karla, papalit kaya sa Chika, Besh?!
Kris at Joshua

Kris naudlot... momshies Jolina, Melai at Karla, papalit kaya sa Chika, Besh?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

May chance bang mapanood din sa TV5 ang Magandang Buhay at It’s Showtime? Napanood nga sa ASAP Natin ‘To sina Vice Ganda, Vhong Navarro and Jhong Hilario at ang momshies na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros and Karla Estrada. 

Todohan ang naging episode ng ASAP kahapon na first time napanood sa TV5 at nag-live sila though obvious na na-tape na ang portion ng pag-welcome ng programa kay Janine Gutierrez na officially ay ipinakilalang Kapamilya.

Anyway, ano nga kayang chance ng Magandang Buhay? Puwede kasing ipalit ang programa sa Chika, Besh! na hindi na nag-renew ng contract sa network. Eh may chika pang show diumano sana ni Kris Aquino ang papalit dito pero hindi raw nag-materialize ang negotiations sa co-prod sana ni Kris.

Bagama’t ang LOL (Lunch Out Loud) ay malabo pa raw matsugi at pali­tan ng Showtime dahil sa commitment sa host kung saan balitang naka-advance na nga ang talent fee ni Billy Crawford for two seasons at kahit papaano naman daw ay may mga commercial ito pero ang baba raw kasi ng rate card ng programa hindi rin halos nakaka-recover sa expenses ng production.

‘Yun daw kasi ang problema ng Brightlight Productions at hindi naman daw basta-basta nakakasingil kaya wala talagang pumapasok na pera, lahat palabas.

So may chance kaya?

Bongga ang TV5.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with