^

Jolo, ‘di naiwasan ang showbiz

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

Nagkaroon ng presscon si Jolo Ejercito na under the management na ni Leo Dominguez kaya in good hands siya dahil aalagaan siya ni Jun Lalin. Si Jolo na pumasok na noon sa showbiz, balak kunin ng Artists Center ng GMA7 at aalagaan daw mabuti ni Joey Abacan.

Mahusay ang acting ni Jolo doon sa una niyang movie, huminto lang dahil nga ipinagpatuloy ang pag-aaral.

Sana ngayon ay talagang seryoso at maging active na talaga dahil malaki ang potential at may lalim ang acting.

Mukha talagang hindi rin maiiwan ng magkapatid na Ejercito/Estrada ang showbiz dahil sa lolo (Erap) nila at tatay (Jinggoy) na sumubok at nagtagumpay din sa showbiz.

Robin markadong ladies man

Sanga-sanga na ang mga balita kina Dingdong Dantes/ Lindsay de Vera, Robin Padilla /Mocha Uson. Pero ano ang totoo at ano fake news?

Basta ako ilalaban ko na hindi magagawa ni Dingdong ang kumakalat na bintang, noong binata pa siya, never nangyari, ngayon pa na sobra ang happiness niya sa kanyang married life at dedication niya as a father sa dalawang anak na sina Zia at Ziggy.

Si Robin Padilla ay markadong ladies man, pero ‘di ba panay naman ang deny ni Mariel Rodriquez.

Bakit hindi na lang natin hintayin ang discovery day dahil hindi naman puwedeng tumakas at manganak abroad dahil may travel ban.

Kalokah talaga na nagmamadali ang marami kung sino ba talaga ang buntis at nakabuntis, mas excited pa sila kesa sa vaccine ng COVID-19.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with