^

Kris, pinangtutulog ang malalaking perlas

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

Nag-post si Kris Aquino ng larawan niya na suot ang malalaking pearl necklace na aniya ay pantulog niya raw. Kasama niya sa photo ang bunsong anak na si Bimby. Wala ang eldest son niyang si Joshua dahil nasa Tarlac daw ito.

“Bimb’s kuya is really loving life in Tarlac... i understand 100% because his lola Cory would always bring him with her whenever she’d go to check on the Aquino center so for him, being there now gives him a sense of both freedom & security...” bungad ng caption ni Kris.

“I chose to post this picture from this morning because literally & figuratively, my bunso is my pillar of strength. He knew yesterday was tough, i fell asleep before he did, pero pag gising ko, my tiny hand was being held under his very big one...” paliwanag ni Kris sa larawan.

Kasunod nito ay ang explanation kung bakit siya naka-pearls.

“Bago kayo sobrang ma weird why naka pearls ako with my oversized men’s white shirt na pantulog ko- i read that pearls help balance hormonal fluctuations and they ease stress & anxiety. They are also supposed to enrich a person’s spiritual life & help in creating a caring & harmonious atmosphere at home or in the workplace. Pearls are also supposed to help love and prosperity surround the wearer,” she explained.

Sey pa niya, naloka raw ‘yung staff minsan sa kanya dahil akala raw nito ay dadalo ulit siya sa wedding sa Crazy Rich Asians kung saan nga siya nag-cameo sa kasal. “So yes, natutulog ako with my pearls on- there was a time several weeks ago na masama talaga ang pakiramdam ko and i read up on all the gems that could help heal me, naloka na yung staff staying with us kasi ang feeling daw nila ready ako mag attend ulit ng wedding sa Crazy Rich Asians- kahit grabe yung fatigue, body aches, and chronic urticaria attack ko that time, natawa na lang din ako nung sinabi ni Bimb- mama, i hope you do realize that jewelry isn’t medicine?” saad pa ni Kris.
Well, kahit kami ay natawa sa sinabi ni Bimby at may point din naman siya talaga.

Macho Dancer, pinag-iinteresan ng mayayamang bading

Natutuwa ang producer na si Joed Serrano of Godfather Productions na mataas ang ticket sales ng Anak ng Macho Dancer na magkakaroon ng digital world premiere on Jan. 30 via ktx.ph, 9-11 p.m.

Makakabili ng ticket sa halagang P690 at wala raw siyang naririnig na reklamo sa presyo dahil karamihan ng buyers ay mula sa overseas. And besides, marami raw talagang mayamang bading. Ang complains lang na naririnig niya ay napakahirap mag-register sa ktx.ph website kaya nga nagdagdag na sila ng ticket outlets. Makakabili na rin ng tiket sa TicketNet and TicketWorld.

Sinisiguro naman ni Joed na sulit ang perang ibabayad ng manonood dahil napakaganda raw ng movie na idinerehe ni Joel Lamangan bukod pa nga sa mapapanood daw ang film na unedited and uncut. Kung sa sinehan daw ito ay tiyak na maraming makakatay na scenes.

Ang Anak ng Macho Dancer ay pinagbibidahan ng mga young, newbie hunks na sina Sean de Guzman, Charles Nathan, Mhack Morales, Miko Pasamonte, at Ricky Gumera.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with