^

Claudine, todo workout para sa kanyang ‘comeback’

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

Ang press conference ngayon na ipinag-imbita ni Atty. Ferdinand Topacio para sa 6th anniversary ng Mamasapano massacre at kasabay raw ng announcement para sa comeback ng isang big star.

May inusisa ako, Ateng Salve, kung sino ang a-attend na big star sa press conference na ‘yon.

Si Claudine Barretto pala ang big star na tinutukoy. Announcement na rin daw kasi ‘yon para sa comeback movie ni Claudine.

Yes, tuloy na tuloy raw ang pelikulang ipo-produce ni Atty. Topacio para kay Claudine under Borracho Film Production. Kasama rin si Claudine sa Mamasapano movie na pinagbibidahan ni Edu Manzano, pero special participation lang siya roon.

Anyway, kung haharap nga si Claudine sa press ngayon, tiyak na hindi lang tungkol sa comeback movie niya ang mapag-uusapan at tiyak na damay rin ang hindi mamatay-matay na mga issue sa kanila ng estranged husband niyang si Raymart Santiago.

Oo nga pala, Ateng Salve, excited ako na makita rin mamaya si Claudine dahil may nagkuwento sa akin na nagda-diet at exercise raw ngayon ang aktres bilang paghahanda nga sa kanyang comeback movie.

Maymay, professional model na ang datingan

Nakabalik na ng bansa ang Kapamilya star na si Maymay Entrata mula sa Dubai, United Arab Emirates. Halos isang buwan din doon si Maymay na nag-enjoy sa kanyang bakasyon at pictorial na rin.

Inihatid si Maymay sa airport ng kaibigan niyang Pinoy-socialite na si Josh Yugen na sobrang puri kay Maymay.

Dapat nga palang abangan ng mga fan ni Maymay ang bonggang pictorial niya sa UAE na ilalabas ng Xpedition magazine ni Josh. Ang bongga no’n.

Isa sa mga nagdamit kay Maymay ay ang international fashion designer na si Furne One.

Ang bongga lang dahil parang professional model talaga ang dating ni Maymay sa pictorial na ‘yon!

So nice!

Raffy, patung-patong na ang programa

Hindi lahat ng mga issue at problemang idinulog kay Raffy Tulfo ay mapapanood natin sa Wanted: Ang Serye drama anthology ng TV5 tuwing Saturday, 9:00 p.m. May mga nagsumbong sa TV at radio show ni Idol Raffy ang hindi pumapayag na maisadula pa sa Wanted: Ang Serye ang kanilang mga naging problema.

Lahat daw kasi ng mga ipinalabas at ipapalabas sa nasabing weekly drama anthology ay pinagpapaalam muna nila sa mga dumulog, nag­reklamo at humingi ng tulong kay Idol Raffy. 

Ang bongga lang at hindi na talaga mapigilan ang kasikatan ni Idol Raffy at napakarami niyang shows sa TV5, huh! ‘Yun na!

FERDINAND TOPACIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with