^

Dingdong at Marian,‘pinatay’ agad ang fake news

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

Spotted kahapon sa BGC sina Dingdong Dantes at Marian Rivera at nakunan sila ng video na papasok sa isang store sa BGC. May netizens na nakakita sa mag-asawa at nag-request ng picture at pinagbigyan nina Dingdong at Marian. Hindi nga lang gaya ng dati ang piktyuran ngayon dahil hindi na katabi ng nagpapa-picture ang mga artista.

Parehong naka-face mask at face shield sina Dingdong at Marian, pero nakilala pa rin at sabi nga ng isang netizen, sobra silang na-starstruck sa mag-asawa. Sa video, makikitang simple ang suot ng dalawa at naka-flat shoes pa nga si Marian.

Ang pictures kahapon ang latest sightings kina Dingdong at Marian at pakiusap ng kanilang fans, tigilan na sana ng bashers at haters ng mag-asawa ang pagkakalat ng fake news. Sabi tuloy ng isang reporter, mukhang may galit kay Dingdong ang pasimuno sa fake news na kumalat na may nabuntis ang Kapuso actor.

Mr. M, nililigawan ni Willie

May pahayag si Vice Ganda sa partnership ng ABS-CBN at TV5 kung saan, kasama si Vice sa Kapamilya stars sa opening number ng ASAP Natin ‘To kahapon. “Ang ganda. Kasi ‘di ba, nag-merge ang ABS-CBN, TV5, at ZOE TV. Inclusive, ‘di ba? may Kapamilya, may Kapatid. Siyempre, kaya ako nagganito (ang heart-shaped red dress ang tinukoy)- Kapuso.”

Natuwa ang mga nakabasa sa post na ito ni Vice lalo na at isinama niya sa kanyang post ang Kapuso. Comment ng isang netizen, maloloka raw lalo ang mga ayaw na ma-renew uli ang franchise ng ABS-CBN kapag nagkaroon na rin ng partnership ang ABS-CBN at GMA 7.

Mangyari nga kaya ang partnership ng ABS-CBN at GMA 7? Posible rin kayang kunin ng GMA 7 si Mr. Johnny Manahan lalo na at niyaya ni Willie Revillame si Mr. M na sumama sa show niya sa Wowowin na Tutok to Win muna ang title ngayon?

Wedding ring nina Rocco at Melissa, inokray

Platinum pala ang wedding ring nina Rocco Nacino at asawang si Melissa Gohing-Nacino na inokray ng isang netizen. Sabi kasi ng netizen, parang galing lang sa Amazon ang wedding rings ng mga bagong kasal, pang-fashion lang at worth $10. Hindi nagalit si Rocco at ang sabi sa netizen, “buy this ring then from Sep Vergara! Buong set, 3 yan.”

Speaking of Rocco, nabanggit nito kay Noel Ferrer na wala pa silang plano ng church wedding ni Melissa, ang plano nila ay Christian wedding/renewal of vows in a few years. After ng wedding nila, magpu-focus sila sa kanilang marriage at ini-enjoy muna ang we-time nila as husband and wife.

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with