^
Dingdong, never papatol sa ibang babae
Dingdong

Dingdong, never papatol sa ibang babae

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 24, 2021 - 12:00am

Grabe pala ang friendship nila Dingdong Dantes at Dr. Hayden Kho.

Ang dami kasing mga hula-hula na akala si Dingdong Dantes daw iyon actor na involve sa buntisan issue.

Sabi ko nga, noon ngang binata pa si Dingdong hindi nasabit sa ganyan issue ngayon pa na happily married at very joyful father siya nila Zia at Ziggy.

Kalokah na isinasabit ang name ni Dingdong lalo pa nga at kita mong enjoy siya sa married life nila ni Ma­rian. At touching naman iyon concern ni Dr. Hayden dahil nga sa ayaw niya na maapektuhan ang pagsasama ng dalawa.

Hay naku, wait na lang kasi noh, manganganak naman iyon at tiyak pupunta sa hospital kaya malalaman din natin.

Bawal ang mag-abroad ngayon kaya hindi makakatakas ang babae, sure dito siya manganganak, bantayan na lang ang mga hospital para malaman n’yo, pero sure ako hindi pupunta iyon father ng bata, kasi lagot siya kay misis. Hahaha.

Koban, favorite venue ng mga meeting

Favorite meeting place ngayon ng mga taga-showbiz ang KOBAN Japanese Resto ni Allan K at ng partner niyang si Chanel. Kumain daw dun ang pamilya nina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado kasama ang mga anak, halos everyday daw mag-order ng take out ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna. At talagang kalat na ang very authentic japanese dishes nila na siyempre pa dahil sa tagal nila Allan K at Chanel sa Japan, kuhang-kuha nila ang authentic taste at lahat ng ingredients nila from Japan talaga.

Pati nga mga tindang sitserya at mga ramen sa loob, mula talaga sa Japan. Sure ako liligayang kumain ng mga bisita ni Gorgy Rula sa birthday niya, dahil bento box at ramen ang kanyang handa.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with