^
Joshua, umaming yumabang nung sila ni Julia
Joshua at Julia

Joshua, umaming yumabang nung sila ni Julia

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 24, 2021 - 12:00am

Ayon kay Joshua Garcia, malaking bahagi ng kanyang kinikita ay nagagastos niya sa kanyang pamilya dahil nga breadwinner siya. Siya ang nagpapa-aral sa kanyang ate at pamangkin

“Pag-aaral ng ate ko, pag-aaral ng pamangkin ko, gastusin sa bahay, binibigyan ko pa ang Papa monthly ng allowance niya, kasi walang trabaho Papa eh. Pero nagbababoy siya sa Batangas,” sabi ni Joshua.

Si Joshua rin ang nagbigay sa ama niya ng pambili ng lupa sa Batangas para gawing piggery. Binigyan din niya ng bahay ang pamilya na regalo raw niya sa Papa niya.

Natanong din si Joshua kung yumabang siya at inamin naman ng batang aktor na may time talaga na naging ganu’n siya ay ‘yun ay noong kasagsagan ng loveteam nila ni Julia Barretto. “’Yun ‘yung time na parang feeling ko, hindi ako ‘yun,” ani Joshua.

Inamin naman ni Enchong Dee na nag-interview sa kanya na talagang nakita niya ang pagyabang kay Joshua that time kaya nga raw naitanong niya ngayon.

“Dumadating sa rehearsal, ‘yung naka-shade, ‘yung parang John Lloyd Cruz. Aminin mo?”

Sagot naman ni Joshua, “may time na yumabang ako pero ‘di ko naman inisip na next John Lloyd.”

Napag-usapan din nila ang tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN at natanong siya kung naisip ba nitong lumipat.

Aminado naman si Joshua na talagang sumagi ito sa isip niya. “Sumagi sa isip ko, yeah, hindi ko magawa. Ibang relationship ‘yung na-build ko sa ABS, eh. Parang naging pamilya ko sila, eh. Parang hindi ko kayang iwan. Mananatiling ‘yung loyalty ko, nasa ABS,” he said.

JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with