^

Dingdong, na-fake news sa starlet na si Lindsay de Vera

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 24, 2021 - 12:00am

Palpak ang hula ng netizens na sina Dingdong Dantes at Lindsay de Vera ang tinukoy sa blind item na “sikat na aktor” na nabuntis ang “sikat na vlogger.” Hindi naman kasi vlogger si Lindsay at kilala ng marami kung gaano kamahal ni Dingdong si Marian Rivera at ang dalawa nilang anak para magkaroon ng extra marital affair.

This time, tumama na kaya ang hula ng netizens na si Sophie Albert ang nasa blind item na ready nang umamin na preggy siya dahil tapos na ang kanyang maternity photoshoot? Si Vin Abrenica naman ang hula ng marami na ama nang ipinagbubuntis daw si Sophie.

Nauna nang may nagsulat ng tungkol sa pagbubuntis ni Sophie.

Galit naman ang nanay ni Lindsay de Vera sa kumalat na tsismis na nabuntis ni Dingdong Dantes ang kanyang anak. Mukhang magrereklamo sa NBI ang mom ni Lindsay dahil sa sagot na “I will” sa nagpayo sa kanya na ilapit sa NBI ang isyu sa anak.

Pinost ng mom ni Lindsay ang blind item na lumabas na isa sa mga araw na ito, aaminin na ng aktres ang pagbubuntis dahil tapos ang kanyang maternity video and photo shoot. Nakasulat pa na produkto ng artista search ang aktres pati ang aktor na nakabuntis sa kanya.

Hindi naman yata galing sa Starstruck si Lindsay at hindi nga siya buntis, kaya ang payo ng mom nito, basahin ang buong story bago mag-comment dahil baka mademanda ng libel, cyber crime at bullying ang mga nagko-comment.

Ibang netizens nanegahan sa paliwanag sa ASAP ni Sharon

May Kapamilya fans na hindi natuwa sa lumabas na paglilinaw ni Sharon Cuneta na contrary sa lumabas sa social media, hindi siya guest sa ASAP this Sunday. Nag-react ang Kapamilya fans sa bahagi ng post ni Sharon na “I love my A.S.A.P. family (I love MR.M MOST OF ALL. Pero NAWALA NA SIYA DOON.) but this is upsetting. Kasi ‘pag ‘di ako luma­bas, eh ‘di ako pa po ang lalabas na masama?” at “Para tuloy di mo alam kung celebration ba dapat o pinaglalaruan kayong mag-ina.”

Comment ng fans, na off sila sa sinabing ‘yun ni Sharon at sana hindi na lang binanggit si Mr. M. Mali rin daw na pinaratangan niya ang ASAP dahil hindi naman sila ang naglabas ng press release na guest siya this Sunday sa show. Lumalabas daw na Sharon vs. ASAP ang labanan.

Sinabihan pa si Sharon na sabihin na lang niya na hindi siya maggi-guest, dinagdagan pa raw ni Mega ng sub issue kay Mr. M na nagpalala sa isyu dahil si Mr. M.  Ang da­ting director ng ASAP.

 May sagot naman si Sharon kung bakit mahal niya si Mr. M, “TATLONG TAON akong walang show sa ABS. At si Mr. M did something for me kung before naging talent ako ng ABS na ‘di ko inasahan pero nakita ko kung gaano kabuti ang puso nya at ang malasakit niya sa akin. And as everyone who knows me knows, I NEVER FORGET.”

Glaiza, uuwi na

Si Glaiza de Castro na ba ang susunod na ikakasal sa showbiz? Kaya namin naitanong dahil ‘yung binanggit niyang special project na ginagawa habang nasa Ireland ay prenup photos and videos daw. Kapag may prenup na, hindi ba kasalan na ang susunod?

Malalaman natin kay Glaiza ang tungkol dito pagbalik niya mula sa Ireland, bago raw magtapos ang buwang ito.

Matagal na rin siya sa Ireland, miss na rin siya ng best friend niyang si Angelica Panganiban na gaya ni Glaiza, in love rin ngayon.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with