^
Sharon, inalmahan ang guesting sa ASAP

Sharon, inalmahan ang guesting sa ASAP

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 23, 2021 - 12:00am

Inalmahan ni Sharon Cuneta ang kumalat sa social media na guest siya ngayong Linggo sa ASAP Natin ‘To.

Ipinagdiinan ng Megastar sa bahagi ng post sa Facebook page kahapon na, “Wala po ako sa A.S.A.P. sa Sunday! I don’t know why lumalabas sa social media na guest ako sa A.S.A.P. this Sunday when hindi naman ako nag-Yes sa pag-guest at di ko alam pang-birthday ko pala dapat yun kasi patapos na ang buwan at dahil may work po ako that day at yun lang po ang gusto ko gawin.”

Eh sa Sunday, parang guest din ang anak niyang si KC Concepcion. Upset si Shawie sa balak ng prog­rama. “Lalabas ba siya (KC) o kung anuman? Para tuloy di mo alam kung celebration ba dapat o para kayong pinaglalaruan mag-ina?

“I love my A.S.A.P. family (I love Mr. M MOST OF ALL.. Pero NAWALA NA SIYA DOON.) but this is upsetting.

“Kasi pag di ako lumabas, eh di ako pa ang lalabas na masama? Nananahimik po ang buhay ko.

“The stars of ASAP have ­nothing to do with this. I am sure the staff meant well by working me to guest.

“Unfortunately. this is unfair to me,” rason ni Shawie.

Naku, gusto agad pag-usapan sa paglipat sa ibang network, huh!

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with