^
Mariel, dinepensahan sina Robin at Mocha!

Mariel, dinepensahan sina Robin at Mocha!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 23, 2021 - 12:00am

Umalma si Mariel Rodriguez sa matinding intrigang kumakalat ngayon tungkol sa mister niyang si Robin Padilla.

Aniya sa kanyang Instagram post last Thursday night, nakiusap si Mariel na tigilan ang mga walang basehang tsismis na ito dahil nagluluksa pa ang asawa niya sa pagyao ng kapatid nitong si Royette Padilla.

“So many people are sending me messages... “checking” on me. People are tagging me bla bla bla... let me tell you this. ROBIN’S BROTHER PASSED AWAY.

“He is grieving. He has never been in so much pain all his life. He doesn’t need your baseless gossip. Namatayan ng kapatid yung asawa ko. Please lang po.

“He doesn’t even know anything about all this rumor but i am putting a stop to this NOW. May oras para maging assholes now is not that time. Please,” ang mensahe ni Mariel.

May ilang netizens na nagtatanong kung ano ang tsismis na ito at may sumagot naman na nali-link daw ngayon si Binoe sa singer/actress na si Mocha Uson.

Actually, ilang araw na nga rin ‘yang pinagpipistahan sa showbiz at kami man ay hindi talaga makapaniwala nang mabalitaan namin. And it’s a good thing na nilinaw agad ito ni Mariel bago pa man lumaki at magsanga-sanga.

John, aminadong ‘stalker’ ni Ellen

Para kay Ellen Adarna, timely ang pagkaka-offer sa kanya ng sitcom na John En Ellen sa TV5 dahil nagkataong kinakailangan niya talagang lumuwas-lumuwas ng Manila para makasama ng kanyang anak na si Elias ang daddy nitong si John Lloyd Cruz.

“Timing ang offer ng schedule when it was offered to me. Nandito kami sa Manila, he (Elias) will be with his dad, and while I’m here and he’s with his dad, I might as well do something,” sabi ni Ellen sa mediacon ng John en Ellen.

Pero hindi pa rin daw siya full-time sa showbiz dahil ang priority pa rin daw niya ay ang kanyang anak. Depende pa rin daw talaga sa schedule kung sakaling tatanggap ulit siya ng proyekto.

Kasama ni Ellen sa John En Ellen si John Estrada na isa rin sa producers at ang aktor mismo ang pumili sa kanya para makapareha.

Kuwento ni John, noon pa raw ay fan na siya ni Ellen kaya siya mismo ang nag-suggest sa direktor na si Willie Cuevas at sa executive producer na si Bong Sta. Maria na ang aktres ang kunin para sa papel na asawa niya.

“I’m a follower of Maria Elena Adarna sa IG (Instagram) and I’m proud to say that I’m one of her fans ever since. There is something about (her), ako talaga, noong gumawa kami ng casting ni Boss Bong, ni direk Willie, I really felt something na sabi ko, ‘you know what, iba ang character nitong babaeng ito.’

“Definitely, we all know that she’s controversial and all that. But there’s more to her than that. She’s so bubbly, she’s a very good soul, you know, I’m glad kahit kelan man matapos itong John En Ellen, I’m just glad that I met this beautiful human being,” pahayag ni John.

Papuri pa niya sa leading lady, “she brings great energy on the set, she’s bubbly, she’s a character. She speaks her mind, she’s honest and alam ninyo kung meron man kayong mga “bad image” of Ellen Adarna, pakitapon n’yo na po ‘yan dahil hindi siya ‘yan.”

Aminado rin si John na talagang inakala niyang hindi tatanggapin ni Ellen ang project. “We really thought na hindi papayag si Ellen kasi nga, ang balita namin, ayaw na niyang mag-artista kasi nga ‘yung priority niya, ‘yung anak niya, si Elias.

“But thank God, pumayag siya, just because, alam niya nga na ang proyektong ito ay para talaga sa kanya at saka napaka-light, masaya lang,” sey pa ni John.

Mapapanood ang John En Ellen every Sunday simula bukas, Jan. 24, 7 p.m. sa Kapatid network. Kasama rin sa cast sina Ronaldo Valdez, Long Mejia, Haiza Madrid, Yoga Singh at ang anak nina Sunshine Cruz and Cesar Montano na si Angelina Cruz.Mapapanood ang John En Ellen every Sunday simula bukas, Jan. 24, 7 p.m. sa Kapatid network. Kasama rin sa cast sina Ronaldo Valdez, Long Mejia, Haiza Madrid, Yogo Singh at ang anak nina Sunshine Cruz and Cesar Montano na si Angelina Cruz.

MARIEL RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with