^

Arjo at Maine, hinihiritang pakasal na rin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 23, 2021 - 12:00am

Kasama si Arjo Atayde sa entourage ng wedding ng brother ni Maine Mendoza, best man yata si Arjo dahil sa nakita naming photos, katabi niya ang bayaw ni Maine na husband ng eldest sister niya.

In fairness, wala kaming nabasang comment na nagsasabing edited at photoshop ang photos nina Maine at Arjo na magkasama. Paano nga naman sasabihing edited, ang linaw-linaw ng mga litrato.

Nag-post si Maine ng photos nila ni Arjo at wala pang violent reaction ang ilang AlDub fans na naniniwala pa rin na sina Maine at Alden Richards ang totoong may relasyon.

May mga nag-comment na sana sina Maine at Arjo na ang susunod na ikakasal at marami ang nag-agree.

Bagay daw kasi ang dalawa at sa two years nilang relasyon, wala silang nababalitaan na matinding away. Ibig daw sabihin, compatible sila kaya dapat, hindi na maghihiwalay pa.

Janella at Markus, sabik nang iuwi ang baby

Mukhang uwing-uwi na sina Janella Salvador at Markus Paterson na nasa UK pa rin dahil sa place nina Markus isinilang ni Janella ang baby boy nilang si Jude. Nag-post si Markus ng photo ng window ng eroplano at makikita ang clouds sa bintana.

Ang caption ni Markus sa picture ay “Gusto na naming umuwi” na sinundan ni Janella ng comment na “pls.”

Nakakatawa ang comments ng friends nila Markus, may nagsabing magsimula na siyang mag-swimming, may nag-comment ng may langis siya at ipahid sa katawan nila para sila’y makalipad. May nagsabi namang simulan na nila Markus ang maglakad.

Bawal pa yatang mag-travel from UK dahil lockdown pa rin sila dahil sa COVID-19 pandemic, kaya matatagalan pa bago makabalik ng Pilipinas sina Janella, Markus and their baby. Pati na rin ang mom ni Janella na si Jenine Desiderio at ang brother niya na kasama nilang lumipad pa-UK.

Kristoffer, mas pinili ang katrabaho kesa asawa

“Nasa nanay niya” ang sagot ni Kristoffer Martin kung nakanino ang four-year-old daughter niyang si Precious Kristin o Pre’ at sinundan ng “it did not work” bilang paliwanag kung bakit hindi  sila magkakasamang mag-anak.

Non-showbiz ang nanay ng anak ni Kristoffer, maganda ang love story nila na nag-umpisa nang maging classmates sila sa San Beda. Seven years tumagal ang kanilang relasyon ang nabasa namin, nag-break sila two weeks before last Christmas dahil sa third party at sa side ni Kristoffer. Nasulat na ni Lolit Solis ang tungkol kina Kristoffer at co-star niyang si Liezel Lopez sa Babawiin Ko ang Lahat at magkapatid pa ang kanilang role.

Tila may katotohanan ang tsikang ito dahil sa Twitter ng former GF ni Kristoffer, mababasa ang mga tweet na “Ay homewrecker si sis. Di na nahiya” at “Sana forever kang maging proud na you destroyed a family hahaha.”

Sa Instagram page ni Kristoffer, may mga comment na patungkol kay Liezel na sinira nga raw nito ang pamilya ni Kristoffer, hindi pa nito sinasagot ang mga akusayon sa kanya ng fans ni Kristoffer na mas gusto para sa aktor ang ina ng kanyang anak.

Sunset wedding...

Sunset wedding ang intimate wedding ng Kapuso actor na si Rocco Nacino at Melissa Gohing na ginanap sa BRP Davao Del Sur Ld602 sa Pier 13. Kaya kakaiba ang background sa wedding photos ng mga bagong kasal, mga barko at iba rin ang photoshoot dahil sa loob ng barko.

Gawa ni Francis Libiran ang bridal gown at suit ni Rocco, pero sa wedding ceremony, naka-Navy uniform si Rocco dahil Navy reservist siya. May nakita kaming bisita sa wedding na naka-Navy uniform din.

ARJO ATAYDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with