^

ASAP at FPJ movies, nakuha ng Kapatid network

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 22, 2021 - 12:00am

Bukod sa A2Z, starting Sunday, mapapanood na sa TV5 ang Sunday noontime show ng ABS-CBN, ang ASAP Natin ‘To. Bukod sa ASAP, bubuhayin din sa TV5 ang alaala ni FPJ: Da King – mga pelikula ni Da King Fernando Poe Jr. na hawak ng Kapamilya network ang rights.

Kahapon nga ay naglabas na ng official statement ang ABS-CBN at TV5 tungkol dito.

Special mention ang Brightlight Productions ni Mr. Albee Benitez na siyang may contract as blocktimer sa TV5 na dating ino-occupy ng Sunday Noontime Live - SNL ang timeslot na tsinugi sa ere after three months dahil diumano sa poor rating at malaki na ang lugi.

Napanood since 1995 sa ABS-CBN, kaya may element of surprise ang confirmation na mapapanood ang ASAP sa ibang network na pinangungunahan nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Erik Santos, Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid.

Tampok naman sa FPJ: Da King ang mga pelikula ni King of Philippine Movies Fernando Poe Jr. tuwing Linggo, mula 2:00 p.m. hanggang 4:00 p.m.

“This collaboration between CIGNAL, TV5, Brightlight Productions, and ABS-CBN marks the start of greater cooperation among our various industry players and begins a new era of partnership,” pahayag ni Robert P. Galang, president and CEO ng Cignal at TV5. “The airing of ASAP and FPJ’s movies on TV5 showcases the desires of TV5 and ABS-CBN to serve our viewers in the best way possible.”

Dagdag pa ni Mr. Galang – “We are pleased to welcome the ASAP family and the films of the one and only king of Philippine movies to Cignal and TV5. The top-rated content, combined with Cignal and TV5’s strengths in technology, direct-to-consumer distribution, and mobile and broadband reach, will usher in a new viewing experience for fans and subscribers alike.

“The future of entertainment media is rapidly converging around a dynamic mix of traditional and digital platforms, with Cignal and TV5 launching new content and synergies that will disrupt conventional broadcast methods. We are committed to continuously explore more initiatives to provide the best of both worlds to all our stakeholders.”

Nag-last episode ang SNL last Sunday kasabay ng dalawa pang shows ng Brightlight Productions na ikinagulat daw ng mga kasali sa mga programa.

Ellen at John mabilis nagswak!

Walang nangahas na magtanong kahapon sa media conference nina John Estrada and Ellen Adarna para sa comedy show nilang John en Ellen kung ano ba talagang status ng relasyon nila ni Derek Ramsay dahil parang hindi pa game si Ellen na sumagot sa intriguing questions.

Pero as co-producer, sinabi ni John na may chance na mag-guest ang Kapuso actor sa kanilang programa ni Ellen.

Recently kumalat ang landian photos nina Ellen and Derek. “Definitely yes, pero kailangan niyang magpa-swab,” sabi ni John nang tanungin namin.

Samantala, halos three years ding namahinga si Ellen sa showbiz matapos manganak sa baby nila ni John Lloyd Cruz.

At sa kanyang comeback project, kakaibang Ellen daw ang matutunghayan ng mga manonood  dahil sa bagong image niya bilang isang mapagmahal na ina at loyal na asawa.

Para naman kay John ang John en Ellen ang nagbabalik sa kanya sa kanyang comedy roots at dito niya ipapakita ang kanyang versatility sa pagganap sa role ng isang mapag-alagang tatay at mapagmahal na asawa. Pinatunayan ni John ang pagiging komedyante sa Palibhasa Lalaki noon.

Aminado naman ang dalawang bida na mabilis silang nagswak sa lock-in taping.

Abangan ang John en Ellen tuwing Linggo simula ngayong Enero 24, 7 p.m. sa TV5. Mapapanood din ito sa Cignal TV channel 202 HD at channel 60 SD.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with