_pang-masa
^

Pang Movies

Bela direktor na, itinangging ikakasal!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Itinanggi ni Bela Padilla na ikakasal na siya ngayong 2021. Nag-post kasi ang aktres ng dalawang blank white screen sa kanyang Instagram account at ang isa naman ay may nakasulat na 2021.

Aniya sa kanyang caption, magsisimula lang siya ng bagong chapter sa kanyang buhay bilang isang film director. “To the people commenting that I’m getting married, I’m sorry but no... I’m marking the start of a new chapter in my life as I direct my first film ever I honestly hoped that by this time.... 2021.... a whole year after the pandemic...we finally understand that there are other things in life where we can level up. Not just our relationships,” ang caption ni Bela.

Sa kanyang Twitter account ay ibinalita rin ni Bela ang simula ng shooting ng kanyang directorial debut, ang pelikulang 366. “Tom will be our first shooting day for 366. And earlier today I got to see the set for the first time, so I took my earphones out, listened to “Mystery Of Love” by Sufjan Stevens and I allowed myself to feel everything I deserved to feel. I thank God deeply for everything,” ang tweet ni Bela last Wednesday.

Nag-post din siya ng pasasalamat sa ABS-CBN at Viva Films for giving her the opportunity to direct her own film.

“Thank you! I am forever grateful to @ABSCBN but also to @VIVA_Films for telling me it’s finally time to direct my first film,” tweet ni Bela.

Ang 366 ay pagbibidahan ni Zanjoe Marudo na matatandaang dating na-link sa kanya nang magkasama sila sa seryeng My Dear Heart. Also in the cast is JC Santos na naging leading man na rin niya.

Matagal nang pangarap ni Bela ang maging direktor at very vocal naman siya about it in her past interviews. Prior to this ay dream din niya ang maging scriptwriter na una na ring natupad noon pa. In fact, siya rin ang sumulat ng script ng 366.

Willie, mamimigay ng house and lot  

Bongga ang mga inihandang papremyo ng Wowowin host na si Willie Revillame para sa kanyang ika-60th birthday celebration sa Miyerkules, Enero 27.

Mamimigay siya ng maraming cash prizes at isang brand new house and lot bilang pasasalamat sa lahat ng Kapuso viewers na patuloy na tumatangkilik sa kanyang programa.

Kaugnay nito, nagsimula na rin ang Pera o Kahon Text Promo noong January 15.

BELA PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with