^

Pia, muntik magpatapyas ng boobs

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 22, 2021 - 12:00am

Inisip pala ni Pia Wurtzbach na magpabawas ng boobs, hindi lang niya itinuloy dahil nalamang malaki ang scars kapag nagpabawas siya ng boobs.

Kaya naman niya inisip magpabawas ng boobs dahil binu-bully siya ng classmates niya. Mabuti na lang daw, hindi niya itinuloy dahil naging asset niya ang malaking boobs.

Isa ang tungkol sa boobs sa itinanong kay Pia sa pa-True or False niya sa Instagram Stories. Natanong din siya tungkol sa BF na si Jeremy Jauncey at mabuti hindi na-offend sa tanong kung older ba siya sa boyfriend dahil 31 years old lang siya at 36 years old si Jeremy.

Pahapyaw na nabanggit ni Pia ang sister niyang si Sarah sa sagot na may gamit siya na nasa pangangalaga ng sister niya sa UK. Sayang at walang nag-follow up ng tanong kung kumusta sila ng sister niya at kung okay na sina Sarah at mom niya.

Nabanggit ni Pia na sa Morocco muna siya mag-i-stay (hindi nito nasabi kung kasama pa rin niya ang BF), takot siyang bumalik muna sa UK at sa Pilipinas dahil sa COVID-19.

Piolo at Maja, ayaw nang pabalikin sa ASAP

Ang lalim ng tampo ng ilang Kapamilya fans kina Piolo Pascual at Maja Salvador dahil tinanggap ng dalawa ang Sunday Noontime Live. Pera-pera lang daw ang dalawa, pero kung babasahin ang mga pahayag ni Johnny Manahan, nabanggit nitong hindi kailangang magtrabaho ni Piolo, “He only works when he likes it. He’s a sweet guy” at ganu’n din daw ang kaso ni Maja.

Pareho rin daw wala nang kontrata sa ABS-CBN sina Piolo at Maja and they are free to work sa ibang channel. May posibilidad na bumalik sa ABS-CBN at sa ASAP Natin ‘To ang dalawa, pero kung ang fans lang ang masusunod, ayaw na nilang bumalik sa Kapamilya Channel at sa Sunday noontime show ng ABS-CBN. Nagbanta pa ang ilang Kapamilya fans na ‘pag bumalik sina Piolo at Maja sa ASAP Natin ‘To, ibo-boycott nila ang show.

May paglilinaw lang, ang ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King ang eere sa TV5, hindi kasama ang It’s Showtime at Maalaala Mo Kaya dahil ang timeslot lang ng SNL at Sunday Kada ang kinuha ng ABS-CBN.

Hindi na rin daw kasama ang Brightlight Productions sa deal ng ABS-CBN at TV5, isinama lang daw sa inilabas na statement ng ABS-CBN sa deal nila with TV5 dahil ginive-up na nga ni Mr. Albee Benitez ang timeslot ng SNL.

Saka, ipinaalam din daw ng ABS-CBN sa Brightlight Productions na babanggitin ang productions sa statement. Saka, may naiwan pang three shows sa TV5 ang Brightlight Productions.

Jose, Kakai at Derrick, adjusted na agad

Ang ganda ng stage ng bagong reality game show ng GMA 7 na Catch Me Out Philippines na magpa-pilot sa February 6, sa direction ni Rico Gutierrez. Hosts nito sina Jose Manalo, Kakai Bautista at Derrick Monasterio. Comments ng netizens, stage pa lang, panalo na!

Franchise ng Kapuso Network sa United Kingdom ang Catch Me Out Philippines na ang mga ordinar­yong tao na magpapakitang gilas at makikipagsabayan sa mga totoong professional sa kanilang field.

Natutuwa si Jose na kahit ngayon lang sila nagkasama nina Kakai at Derrick, mabilis silang naging komportable at parang matagal nang nagkasama sa trabaho. Para nga raw samahan nila nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga. “Off-cam para na kaming matagal nang magkakakilala. ‘Yun ‘yung kagandahan. Hopefully, makita ng mga tao ‘yung bond namin,” sabi naman ni Derrick.

JD, may kilig kay Cassy

May endorsement na pala si JD Domagoso at kasama niya rito sina Gabbi Garcia, Khalil Ramos at Kelvin Miranda. Nag-shoot na ang apat ng TVC ng kanilang endorsement na hindi pa binanggit kung ano.

Ang apat ang tinatayang magiging in-demand stars ng GMA 7 this year na mukhang magkakatoto dahil pare-pareho silang may shows.

Ibinalita rin ni JD na magsisimula na siya sa lock-in taping ng First Yaya. Si Cassy Legaspi ang makakapareha ni JD sa First Yaya at aliw siya dahil hindi maitago ang kilig kapag tinatanong kay Cassy.

PIA WURTZBACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with