^
Jomari, kakasuhan ang ex!
Jomari

Jomari, kakasuhan ang ex!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 21, 2021 - 12:00am

Naku may nasagap akong balita na baka mag-file na ng kaso si Jomari Yllana to stop once and for all ang gustong mangyaring word war nila ng ex na si Joy.

‘Kalokah na hahantong na sa ganito at naging very dirty na ang labanan, dahil siyempre siguro nakita ni Jomari na in the long end, siya ang talagang mas malaki ang mawawala kung patuloy na everytime may complaints ang ex, sinisira siya in public.

Nabalitaan ko na merong sworn statements mula sa mga yaya ng mga bata na si Jomari pala ang nagpapasuweldo na merong mga bagay na puwedeng mag-prove na hindi fit para maging guardian ng mga anak nila ang ex. Ang natakot ako, may narinig ako na baka masali ang mga pangalang Paolo Contis at Eric Fructuoso.

Naku hah, ayokong isiping kasali ang alaga ko na si Paolo Contis dito noh! Nalokah ako. Iyan na nga sinasabi ko, dapat ingatan ang mga ganitong bagay, kasi nga meron ding boiling point ang kahit sino pang gentleman ‘pag nagalit na.

Siguro dumating na sa breaking point si Jomari na mapapansin mo na sa mga sarcastic na sagot nito, ‘walang kuryente, pero merong Facebook at cellphone?,’ pati wrong choice of words ay pino-point out na niya, sign na naiinis na siya at gusto na ring mang-inis.

So now, siguro, ayan dakdak ka pa, sige gusto mo akong sirain, ipapaalam ko rin sa publiko kung bakit tayo nauwi sa ganito, iyon na rin siguro ang naging defense mechanism ni Jomari.

Very sad, mabuti na lang, bata pa ang mga anak nila at hindi pa alam ‘yung paglalabas nila ng dirty linens sa public.

Very sad, dahil self destruction na ang pupuntahan ng lahat. Imagine mo, pandemic pero gumamit ka ng P100K na kuryente? Talagang very pathetic ang issue. Pero now, at least sa korte na siguro sila magkikita-kita. 

JOMARI YLLANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with