_pang-masa
^
Cong. Vilma hinuhulaang âdi papatulan si Jay Sonza
Cong. Vilma

Cong. Vilma hinuhulaang ‘di papatulan si Jay Sonza

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 21, 2021 - 12:00am

Matindi pa rin talaga ang galit ni Jay Sonza sa ABS-CBN at talagang tutol na tutol siya na mabigyan ng franchise ang dati niyang network. In fact, binabanatan niya ang mga personalidad o pulitiko na pumapabor na mabigyan ng license ang Kapamilya.

Ang latest na binanatan naman niya ngayon ay si Batangas 6th District Representative Vilma Santos-Recto dahil nag-file ito ng bagong bill na naglalayong ma-renew ang franchise ng ABS-CBN.

Sa kanyang Facebook post last Tuesday, nagbigay ng mensahe kay ate Vi si Jay at tinututulan ang ginawa nito. “Cong. Vilma Santos, What renewal are talking about? There is nothing to renew because the network has no live or existing franchise to begin with.

“Ang dami nang bobo sa Kongreso, huwag mo ng idagdag ang sarili mo sa bilang nila.

“Tapatin mo ang bayan, Ate Vi, Huwag na tayong magbolahan pa, magkano ba talaga ang dahilan?” ang mensahe ni Jay kay Cong Vi.

Sa kasalukuyan ay wala pang sagot si Ate Vi sa pahayag ni Jay and knowing her, dededmahin lang niya ito.

Noon pa ay suportado ni ate Vi ang franchise renewal ng ABS-CBN at isa siya sa 11 Kongresista na bumoto ng “yes to franchise.” And just recently nga, nag-file siya ng bagong bill na naghahangad na mabigyan ng another 25 years of franchise ang network. Ito ay matapos mag-file si Senate President Tito Sotto ng similar bill sa Senado.

 Sheryl at Jeric, ‘di nagpapapigil

Sa pagbabalik ng seryeng Magkaagaw sa GMA 7, marami ang nagtatanong kung may mapapanood pa bang kissing scenes or intimate scenes between Sheryl Cruz and Jeric Gonzales dahil isa rin talaga ito sa mga pinag-usapan sa show bago ito natigil sa ere before the pandemic.

Ayon kay Sheryl, nang magbalik sila sa taping ay sinabihan naman sila ng production team at ni direk Gil Tejada na kung ano lang ang kaya nilang ibigay at hindi sila pipiliting gawin ang hindi sila komportableng gawin. First and foremost daw siyempre ay safety pa rin ang priority.

Ayon kay Sheryl ay bumase raw sila ni Jeric kung saan tumigil ang mga karakter nila bilang Veron and Gio.

“We just did what was natural sa scene,” sabi ni Sheryl.

Ayon naman kay Jeric, importante rin ang good relationship with co-actors at sa parte naman nila ni Sheryl ay komportable na sila sa isa’t isa since maraming beses na silang nagkasama sa ibang shows.

JAY SONZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with